“Let’s go? Baka mamaya uminit pa sa labas,” sabi ni Doc. Tumango ako at sumunod sa kaniya. “Ma’am Eli, may gusto po ba kayong kainin mamaya?” tanong ni Michelle nang salubungin niya ako habang palabas. Umiling ako. “Kahit ano lang, Michelle. Salamat,” ngumiti ako at sumunod na kay Doc na naghihintay sa akin sa unahan. Nakakalakad pa naman ako kahit na malaki na ang tiyan. “Ang laki ng lupang binili ni Sico,” unang sabi ni Doc Mia habang palabas kami sa gate. Totoo. Ang laki, pati bahay ay malaki rin, pinapa-renovate pa nga ni Sico ang ibang anggulo. Nahinto lang ang renovation dahil malapit na akong manganak. Ayaw niya akong maingayan o madisturbo kahit na ayos lang naman kung may mga workers dito. “I heard hindi ka na dumadalaw kay Zeym,” tumingin ako kay Doc. “Nahihiya po akong du

