ELIZABETH Nakaupo lang ako sa tabi ni Sico habang siya ay patagilid na nakayakap sa akin. Hindi ako gumalaw dahil ayaw kong madisturbo ang pagtulog niya. Nasa harapan ko ang mga magulang niya kasama ng mga kapatid at mga kaibigan ng magulang niya. Lahat sila nakatutok sa akin na para bang inoobserbahan nila ang galaw ko. While Sico on my side, panay lang ang pagbanggit sa pangalan ko habang nakapikit. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya. “Kukunin mo na ba siya dito?” tanong ni Rico. “Kung papayag kayo,” magalang na sagot ko. “I’m still against the idea. Hindi ba kayo naaawa kay ate Zeym?” si Moni ang nagsalita. Galit pa rin siya sa akin. “Harmonia, kuya Sico mo at si ate Zeym mo ang nagpasya tungkol sa bagay na ito.” Sabi ni Rico, pinagtatanggol ako. “At tini-take advantage ng babae

