ZEYM “Kumusta ka na?” pinagkunutan ko ng noo si Lando. “Bakit tatlong araw na kitang hindi nakikita?” tanong ko sa kaniya. Bigla siyang nawala at hindi na pumupunta dito. Alam naman niya na siya lang ang taong nakakausap ko lagi tungkol as sakit ko. Napakamot siya sa ulo niya. “Nabusy ako e,” Ngumuso ako at nilapit sa kaniya ang berries na pinapakain sa akin ni Lady Lay. “Gusto mo?” “Ayaw ko.” “Bakit ayaw mo?” “Dahil ayaw ko lang?” Umupo siya sa harapan ko at nakatitig lang ako sa kaniya. Bakit ang ilap niya sa akin ngayon? “Uy Lando, namiss kita,” sabi ko sa kaniya at humalukipkip sa harapan niya. Biglang namilog ang mata niya sa sinabi ko. “Dalasan mo naman pagbisita sa akin dito,” ngumuso ako at nailing naman siya. “Bumabalik na ang katawan mo sa dati,” “Nalaman ni Sico na ma

