ZEYM Wala na naman si Sico nang pagkagising ko. Ilang beses na niya itong ginawa? Isang linggo na siyang maagang umaalis at sobrang late na umuuwi. Kung tinatanong ko bakit, isa lang ang sasabihin niya, may emergency sa trabaho o sa daan. I tried to ignore this but I think this is too much. I found him slowly changing. It feels like, I’m watching a candle na unti-unting natutunaw. “Zeym? Ang aga mo yata nagising,” lumapit ako kay Mr. Shein “Good morning pa, si Sico po, nakita niyo ba kanina?” Umiling si Mr. Shein. “Kanina pa ba siya umalis?” Mr. Shein usually wake up around 5 a.m so kung hindi niya nakita ang anak niya kanina, I assume umalis si Sico na maaga pa sa 5 a.m. “Opo yata pa kasi paggising ko wala na siya. Pero don’t worry pa, pupuntahan ko nalang siya mamaya sa office ni

