Nang papaalis na sina kuya pagkatapos ng pananghalian ay nagpaalam na siya kuya at ang mga kasama nito. Pero nagulat ako nang biglang huminto sa may pintuan iyong isa kaya napatigil rin si Kuya at iyong isang kasama niya. “Hi, Vera. Nakapagpaalam na rin ako sa kuya mo para manligaw sana mas makilala pa kita,” sabi nito sa akin. kung hindi ako nagkakamali siya si Raiden Fontelara at kagaya ni kuya ay Senior Police Officer na rin. Alanganin akong ngumiti sa kaniya dahil ramdam ko, as in kahit hindi ko nakikita, na masama na ang timpla ni Keister. “Bye po ulit sa inyo. Ingat po kayo,” nakangiti lang na tugon ko. Ayaw ko naman kasi na mapahiya siya lalo at nakatingin ang mga kasama niya. “Bye. Isa sa mga araw na ito siguro ay dadalaw din ako sa iyo,” mahinang sambit pa niya. Pilit ang ngi

