“Uulitin ko, ako ang may kasalanan kaya napapunta sa kuwarto ko si Miss Vera. Ang paglalabas ng video na iyan ay sinadya upang pagmukhain siyang masamang babae. But we will show you an actual footage from the CCTV of the resort. Medyo kinulang yata sa pag-iisip ang nagpalabas ng video na iyan at hindi niya naisip na may CCTV ang buong lugar, maliban pa sa mga naka-install na kamera para sa shooting,” mahabang pahayag ni Keister saka sinenyasan si Kevin. Si Kevin naman ang nag-utos na i-play na iyong video sa malaking screen. Mula roon ay makikita ang pagkatok ng PA ni Keister na si Aaron sa kuwarto ko at ihatid ako sa kuwarto ng amo niya. Pag-alis niya ay saka pa lamang kasi ako kumatok sa kuwarto ni Keister at doon nagsimula iyong video na ipinakalat sa internet. “Okay. We got it that i

