“Why? Ano bang pinag-awayan ninyo?” may pag-aalala na niyang tanong. Nagbuga ako ng hangin. Mas lalo pang bumigat ang dibdib ko. “Sinabi ko kasing nandito ka para umakyat ng ligaw. Sabi niya, paglalaruan mo lang daw ako at hindi ka naman daw seryoso sa akin. Kapag nakuha mo na raw ang gusto mo sa akin, iiwan mo rin ako gaya ng ibang mga sikat na artista,” pagtatapat ko sa kaniya. Ayaw ko sanang sabihin kay Keister ang lahat kaya lang hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya kasi pakiramdam ko kakampi ko siya sa lahat ng bagay. Tama si mama. Kailan lang kami personal na nagkakilala ni Keister. Pero mahalaga ba talaga kung gaano katagal na magkakilala at nagsasama? Hindi ba ang mas mahalaga ay iyong nararamdaman at ipinapakitang pagtrato sa isa’t isa? Ke

