VERA’s POV Kasalukuyang nag-uusap iyong mag-ama at spanish ang ginagamit nilang salita kaya pinili ko na lang na huwag makisali. Kaya nagpaalam na lamang ako para pumunta muna rito sa garden. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita ng sunflower na ganito karami ang mga bulaklak tapos ang lalaki pa. Gusto niyang pumitas ng ilang bulaklak para ibigay sa Tita Dinah ni Keister. Pampa-good shot lang. Akmang pipitas na siya nang napili niyang malaking sunflower nang bigla siyang makarinig ng tumatawag sa pangalan niya. “Vera! Vera, come here!” mahina siyang napasinghap at labis na nagulat nang makita kung sino ang tumatawag sa kaniya mula sa labas ng gate. Si Miss Mary Joy! “Vera, come on!” tawag nito ulit sa akin kaya kusang humakbang ang mga paa ko palapit sa kinaroroonan niya. Kitang-kita

