“Ayaw ko kasing isipin mo, o kaya ng mga taong nakapaligid sa iyo na iyong pera mo lang ang habol ko. Nahihiya talaga ako, Keister. Hindi rin naman ako mahilig sa mga materyal na mga bagay kaya hindi mo na ako kailangang bilhan ng mga kung ano-ano. Saka mas gusto ko rin na kapag may mapundar ako para sa sarili ko, iyong pinaghirapan ko talaga. Hindi ako sanay sa mga palibre-libre dahil ayaw kong magkaroon ng utang na loob. I always give back what is given to me, that’s why,” mahaba kong paliwanag sa kaniya. Lumamlam naman ang mga mata niya at nahaluan ng lungkot ang mga titig niya. “Vera, ang bawat tao, may kani-kaniyang kalakasan at kahinaan sa buhay na ito. Saka kung anuman iyong gusto kong makuha mo sa akin, regalo iyon. Kaya hindi mo kailangang isipin na nagkakaroon ka ng utang na loo

