Kahit noong ibinababa na iyong iba pang pagkain sa lamesa namin ay hindi ako makagalaw ng maayos kasi banayad na humihimas iyong isang kamay niya sa hita ko. At sa bawat haplos niya ay kakaibang init ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano iyon pero parang kumokonekta sa p********e ko. “Stop it, Keister,” pabulong kong saway sa kaniya. “Stop what?” balewalang tanong niya. Nagpapanggap pang hindi niya alam kung ano ang ibig kong sabihin. “Iyang kamay mo,” nagtatagis ang mga ngipin ko dahil natatakot akong makahalata si Tanya. “Tabi tayong matulog mamaya?” Nanlaki ang mga mata ko at muntik na akong masamid sa ibinulong niya. Maging ang mga balahibo ko sa batok ay nagtayuan dahil sa init ng hininga niyang tumatama sa tainga ko. Agad naman akong napatingin kay Tanya ngunit a

