Sinundan ko si Nicole sa loob ng mansyon pero di ko siya nakita. Pinutahan ko ang dating kong kwarto kung saan kami namamalagi ni Nicole kapag nanatili kami sa mansyon upang tingnan kung doon niya naisipang na pumunta. Bahagya kong binuksan ang pinto pero nakapatay ang ilaw tanda na hindi siya dito pumunta kaya di ko na naisipan pa na pumasok sa loob. "Nicole." Tawag ko sa pangalan niya habang isa-isang binubuksan ang bawat kwarto pero wala akong narinig na anumang sagot. "Nakita mo ba ang asawa ko?" tanong ko sa isang katulong na padaan sa harap ko. Saglit itong nag-isip bago sumagot. "Nakita ko po siyang pumasok sa dati niyo pong kwarto." "Sige, salamat." Saad ko at mabilis na pinuntahan si Nicole.Nang buksan ko ang pinto ng kwarto ay nakapatay pa rin ang ilaw. Bubuksan ko na sana ng
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


