Chapter 3

1219 Words
Ang susunod na mga eksena sa kwentong ito ay nung panahon kung saan 4th year highschool pa lang sina Mikael at Theo samantalang 1st year highschool si Nicole. “Nasaan na ba siya? Kanina pa ikot ng ikot dito sa school pero di ko siya makita.” Naiinis na sabi ko sa sarili ko. Kanina ko pa kasi hinahanap si Theo para sabay kaming maglunch pero di ko siya makita. Mauubos na ang one hour break ko pero di ko pa rin siya nakikita. “Aurghhh! Kainis!” sabay sipasa bato na nasa harap ko. “Huwag mo namang panggigilan ‘yang bato. Wala naman siyang ginagawang masama sa’yo.” Lumingon ako sa likod ko upang tingnan ang lintek na lalaking nagsalita pero alam ko rin naman kung sino siya. Si Mikael. “Pakealam mo ba?! Gusto mo ikaw na lang ang sipain ko?” Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa ulo. “Ikaw talaga, Goldie, tanghaling tapat ang init na agad ng ulo mo.” Inalis ko ang kamay niya na nakapatong sa ulo ko. “Kainis! Nakita mo ba si Theo? Kanina ko pa siya hinahanap pero di ko siya makita.” “May practice sila ngayun ng basketball. Malapit na kasi ang elimination round kaya sunod-sunod ang practice nila.” “Basketball? Kailan pa sumali si Theo sa basketball team?” nagtatakang tanong ko. Alam kung magaling maglaro ng basketball si Theo pero… “Akala ko ba, ayaw niyang sumali sa basketball team ng school?” “Well, nagbago ang isip niya.” nang sinabi niya iyon ay bigla niyang iniwas ang tingin sa akin. “May alam ka ba na dapat ko ring malaman? Tell me, ano ang nagpabago ng isip niya?” “Ang tanong hindi ano, kundi sino?” mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Hinawakan ko siya sa kamay at hinila papuntang gym ng school. “Samahan mo ako, puntahan natin si Theo.” “Bakit pa? matatapos na ang lunch break mo at mahuhuli ka na sa klase mo.” “Wala akong pakialam kahit malate pa ako basta makita ko si Theo.” Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto na rin ako. “Gusto mo talaga siya noh?” bigla niyang tanong sa akin. Nag-init ang pisngi ko at nahihiya akong tumingin sa kanya. “A-ano naman ngayun? Wala namang masama na magkagusto ako sa kanya, diba?” Tumitig siya sa akin bago nagsalita. “Masasaktan ka lang.” malungkot niyang sabi. “Eh ano naman ngayon?” despensa ko. “Lahat naman tayo masasaktan, ang tanong lang kung kaylan.” Nagulat ako ng bigla niya na lang hilahin ang kamay ko sabay yakap sa akin ng mahigpit. Ramdam ko ang init mula sa katawan niya. biglang bumilis ang t***k ng puso ko. “Ano bang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya habang pumipiglas sa pagkakayakap niya. “Tama ka! Lahat tayo masasaktan. Kaya kapag nasaktan ka, tandaan mo lang na nandito ako.” Naglagay siya ng space sa pagitan naming dalawa. Hinawakan niya ako sa mukha. “Lahat gagawin ko para sa’yo.” “Salamat.” Ilang hakbang palang papuntang gym ay rinig ko na ang hiyawan at tilian ng mga tao. Tumingin ako kay Mikael. “May laban na ba sila ngayun?” nagtataka kong tanong. “May pratice game sila.” “Ha?! Bakit di mo sinabi sakin agad? Kainis ka naman eh! Hindi ko tuloy nasimulan yung laro ni Theo.” Sabay takbo para maabutan ko ang nagaganap na laro sa loob ng gym. Pagkapasok ko ay isang malakas na hiyawan at tilian ang naabutan ko. “I love you Theo!!!” rinig kong tili ng isang babae na nasa kaliwa ko. “Ang galing mo talaga!!!” Hinanap ko si Theo at nakita ko siyang naglalaro sa court. Tamang-tama dahil pagtingin ko ay nag shoot siya at pasok sa ring. Hiyawan na naman ang mga tao. Hindi ko napigilan na hindi humanga sa galing niyang maglaro. He is soaking wet yet he still handsome on his jersey. Hindi ko masisisi ang mga babaeng nagtitilian ng dahil sa kanya. Naramdaman ko na lang ng may bigla umakbay sakin. “Doon tayo/” sabay turo ni Mikael sa bakanteng upan. “Nakakapagod kong nakatayo lang tayo.” “Sige.” Pinunasan muna ni Mikael ng panyo ang bakanteng upuan bago ako umupo. Tiningnan ko siya at nahihiyang napakamot siya sa ulo niya. “Madumi. Kaya pinunasan ko.” “Salamat.” Sabi ko na lang sabay upo. “Ang bait mo ata sakin ngayun?” tanong ko sa kanya. “Bakit, ayaw mo bang maging mabait ako sa’yo?” nakangiting sabi niya. “Hindi naman. Nakapagtataka lang.” “Natatalo na ang kuya mo, Althea.” Rinig kong sabi ng katabi kong babae. Tiningnan ko kung sino yung Althea na kausap niya. s**t! Si Althea Altamirano! Dali-dali kong kinlabit so Mikael. “Bakit?” nagtataka niyang tanong. Simple kong itinuro ang lokasyon ni Althea. “Anong ginagawa niya dito?” nagtataka kong tanong sa kanya. “Player ng basketball team ang kuya niya. Ian ata ang pangalan.” Simple niyang sagot. Tiningnan ko ang mga players na naglalaro. Nakita ko na nakatingin si Theo sa direksyon namin ni Mikael kaya kumaway ako. nakita ko siyang ngumiti at gumanti ng kaway. Napansin ko rin ng tumingin siya sa bandang kanan ko kung saan nakaupo si Althea at ang kaibigan niya. Tiningnan ko si Althea at napansin kung hindi siya kay Theo nakatingin kundi sa isang lalaki na manlalaro. Iyon siguro ang kuya niya. Bigla na lang nagdilim angpaningin ko dahil may kamay na tumakip sa mga mata ko. “Tama na ‘yan. D’un ka tumingin sa court, hindi sa katabi mo.” Sabi sa akin ni Mikael. “S-siya ba, siya ba ang dahilan kung bakit sumali sa basketball team si Theo?” nasasaktan kong tanong. Nasasaktan ako. Nasasaktan akong makita si Theo na hindi sa akin nakatingin kundi sa iba. “B-bakit? bakit iba ang tinitingnan niya samantalang ako ang nasa harap niya?” naiiyak kung tanong kay Mikael. “Gusto mo na bang umalis?” nag-aalalang tanong niya sa akin. Tango lang ang isinagot ko sa kanya. Tumayo siya at hinawakan ako sa kamay. “Halika na. maiintindihan naman tayo ni Theo kung di natin tatapusin ang laro niya.” Iniwan ako ni Mikael na nakaupo sa loob ng sasakyan niya, may biblhin lang daw siya saglit. Bata pa lang ako ay si Theo na ang gusto ko. Himdi ko matandaan kung kaylan ako nakaramdam ng ganito para sa kanya pero alam kung siya ang gusto kong makasama habang buhay. Pangarap kong maging Theo Ferrez, bata pa lang ako. Pero bakit ganito, parang saming dalawa, ako lang ang nagmamahal. “One sided love pa ata ang peg ng beauty ko.” Pilit kong biro sa sarili ko upang mapagaan ang bigat na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. . Bumukas ang pinto ng sasakyan at pumasok si Mikael na may dalang ice cream. “Ice cream. Pampalamig ng pusong nasasaktan.” Nakangiting sabi niya sa akin. Sira-ulo talaga ang lalaking ‘to. Alam na ngang nasasaktan ako, nagawa pang magbiro. “Sira-ulo ka talaga no’? Akin na nga ‘yan.” Sabay hablot sa hawak niyang icecream. “Masarap ‘yan. Mango flavor. Di ba iyon ang paborito mo?” “Paano mo nalaman na itong flavor ang gusto ko?” sabay dila sa icecream. “Nakalimutan mo na ba, icecream ang peace offering ko sayo kapag inaasar kita. At mango flavor ang request mo.” “Natandaan mo pa ‘yun? Bata pa tayo nun ah.” “Lahat ng tungkol sayo, natatandaan ko.” Ngumiti siya sa akin na parang inaakit ako. “s**t! Huwag kang magpapaakit sa loko na ‘yan!” bulong ko sa sarili ko. “Masarap ha.” Sabi ko sa kanya. “May bayad ‘yan.” Ngiting-loko niya sa akin. “Grabe ka! Akala ko pa naman libre mo ito sa akin. Tapos sisingilin mo ako.” “O sige, libre na ‘yan, pa kiss muna.” Sabay lapit ng mukha sa akin. Mabilis kong iniharang ang isang kamay ko na walang hawak na icecream. “Kapal mo ha.” Natatawa kong sabi. “Sa wakas!” bigla niyang sabi. “Tumawa ka na rin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD