Masayang tinitingnan ni Nicole ang mukha nya sa salamin. Bagay na bagay ang make up nya sa maliit at hugis pusong mukha. Kitang kita ang kaseksihan nya sa suot nyang kulay pink na mini dress.
"Napakaganda ko talaga." Nakangiting wika nya sa sarili. Masayang masaya sya ngayong gabi. Ngayong gabi kasi ipapahayag ang nakatakda nilang kasal ng lihim nyang pinakamamahal.
"Ang ganda natin ngayon ah." Wika ng kaybigan nyang si Abby pagkapasok nito sa kwarto nya.
"Abby!" Tiling pagtawag nya sa pangalan nito. "Excited na ako. Sa wakas tinupad din ng Diyos ang hiling ko."
"Im verry happy for ynu. Atleast ikaw' ikakasal na sa lalaking gusto mo' samantalang ako' galit sakin si Alex."
Dating may relasyon si Abby at si Alex pero nagkahiwalay dahil sa isang babae. Di ko na nakita ang babaeng iyon dahil ng pumasok ako sa eskwelahan kung saan sila nag aaral ay umalis na ito.
"Makakalimutan din ni Alex ang babaeng iyon. Sa ganda mung iyan' tyak na babalik sya sayo."
""Hay sana nga. Ah basta' wag muna lovelife q ang pagusapan natin. Im excited na para sayo.!"
"Ako rin. Sa wakas' mapapasakin na rin si Theo."
Nang bumaba kami ni Abby sa sala ay nakita kong nagkakagulo sa sala. Mukhang di masaya ang ekspresyon ng mga magulang ko pati na rin ng mga magulang ni Theo. Pilit kong hinahanap si Theo pero di ko sya makita.
"Ma' may problema ba? Nasaan si Theo'?" Tanung ko paglapit ko sa kanila.
"Wala sya dito." Tiim-bagang na sagot ni papa.
"Paanung wala?! Kinakabahang tanung ko.
"Nakipagtanan si Theo sa ibang babae." Sagot ni papa. Nag aalalang tumingin sa akin si mama. Nabigla ako sa sinabi nya. Si Theo' nakipagtanan? Pero paanu ang engagement namin? Para akong mahihimatay dahil sa nalaman ko. Mabilis na lumapit sa akin si ap.
"Paanu ako mommy? Alam ng mga bisita na engagement namin ngayon?" Naluluhang tanung ko sa kanya.
Biglang nagsalita si papa. "Hindi ako makakapayag na maging kahiya hiya ang pamilya natin. Gagawan ko ito ng paraan."
"Pero paanu? Kahit ang mga magulang ni Theo' di alam kung nasaan sya?" Saad ni mama.
"Pwes' mghahanap tayo ng kapalit nya."
"Ano? Sino naman ang ipapalit mo?"
"Si Mikael. Ang pinsan nya!"
Hindi. Huwag si Mikael. Huwag ang babaerong 'yun. Wika ko sa sarili bago ako mawalan ng malay.