Chapter 5

1024 Words
"Bilisan mo naman, mahuhuli tayo sa laban nila from other school, eh!" reklamo sa akin ni Abby habang inaayos ko ang gamit ko sa locker. May laban kasi ngayon ang koponan nina Theo kaya sabik na sabik kaming manood ng laro. "Eto na po, natataranta tuloy ako sayo." Reklamo ko sa kanya sabay sukbit ng bag sa balikat. "Halika na." sabay hila sa akin papuntang school gym. Excited na excited akong panoorin ang laro ni Theo. Malakas na hiyawan ang narinig namin ng makapasok kami ng gym. Halos puno ng tao, mabuti na lang at may nauto si Abby na dalawang lalaki kung saan sila umalis sa pwesto nila para makaupo kami at makapanood ng malapitan. "Teka, diba si Mikael 'yun? Kasali na rin pala siya sa basketball team." Nagulat ako sa sinabi niya at tumingin sa gawi kung saan siya nakatingin. Nakita ko nga si Mikael na nakasuot ng no. 12 na jersey. Isa siya sa mga naglalaro ngayon kasama si Theo. "Hindi ko alam na sumali na rin siya." halos isang linggo kaming hindi nagkikita o nagkakausap ni Mikael. "Talaga? magaling din siguro siya tulad ni Theo dahil isinabak agad siya sa laro." Habang nagaganap ang laro, hindi ko napansin na kay Mikael ako nakatingin imbes na kay Theo. Nakakashoot ng bola si Mikael, ganun din si Theo. Mahigit dalawangpu ang puntos na lamang nila sa kalaban. Kapag nakakascore sila, ay napapatayo kami ni Abby sa sobrang tuwa. Natapos ang laban at nanalo ang team nina Mikael. "Halika, lapitan natin sina Theo at Mikael." Lumapit kami ni Abby sa bench kung nasaan sina Mikael at Theo. "Congrats. Ang galing niyong dalawang maglaro." Nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa. Nagpasalamat sa akin si Theo habang tumingin lang saglit sa akin si Mikael. Kakausapin ko na sana siya ng may biglang sumulpot na babae at humilingkis sa mga braso niya. "Congartulations, babe." Wika ng malanding babae. Lumayo sa amin ang dalawa kaya di ko na narinig pa ang pinag-uusapan nila. "Hoy! Ang sama ng tingin mo dun sa dalawa ha." Sabi sa akin ni Abby pagkatapos niya akong tapikin. "Sino ba yun?" sabay turo sa malanding babae. "Ah, siya ba? Siya si Missy, campus queen ng 3rd year student at klasmeyt kung patay na patay sa kaibigan mo. Maganda siya no?" "Maganda nga, mukha namang walang utak." Inis kong sabi. Salubong-kilay na tumingin sa akin si Abby. "Tapatin mo nga 'ko, sino ba talagang gusto mo, Si Theo ba o si Mikael?" Nagulat ako sa tinanong niya. "Ano?! Bakit mo ako tinatanong ng ganyang bagay? Eh, alam mo namang si Theo ang mahal ko." "Eh, bakit ka nagagalit ngayon sa babaeng kasama ni Mikael?" "D-dahil nagpapakatanga siya, hindi niya ba alam na maraming girlfriend ang mokong na 'yun." "Problema na ni Missy yun. Ikaw ang problemahin mo eh kung paano ka mapapansin ng prinsepe mo." "Ha?" "Kasi po, kung di mo napapansin, wala na po siya. umalis na." Tumingin ako sa paligid ko at di ko na talaga makita pa si Theo. "Bakit di mo agad sinabi na umalis na siya." naiinis kong sabi sa kanya. "Aba! Di ko na kasalanan kung nasa ibang lalaki ang pansin mo at hindi sa kanya." "Kainis!" sabay hampas sa balikat ni Abby. "Aray!" reklamo niya sa paghampas ko. "Malas ata ako ngayung araw na 'to." Inis kong sabi sa sarili ko. Tumawag kasi ang katulong at sinabing maysakit ang driver ko kaya di ako masusundo agad. Hihintayin pa kasi ang pagdating na isa pa naming driver. "Teka lang.." bigla akong may naisip. "Kay Theo na lang ako magpapahatid, tama! Kaylangan kong tawagan si Theo." Kukunin ko na sana ang cellphone ko para tawagan si Theo ng mapansin ko si Mikael at ang babaeng si Missy na nalalakad papunta sa nakaparadang sasakyan ni Mikael. Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin para tawagin siya. "Mikael!" pasigaw kong tawag sa pangalan niya. Mukha namang narinig niya ang pagtawag ko at lumingon sa gawi ko. Mabilis akong lumapit sa kanya. "Bakit?" seryoso niyang tanong ng makalapit ako. "H-ha?, ah, eh, di kasi ako masusundo ng driver ko kaya kung pwede sana ikaw na lang ang maghatid sakin sa bahay." Sabay ngiti sa kanya. Please, makuha ka sa ngiti. "Bakit hindi ka kay Theo magpahatid?" "K-kasi, di ko siya makontak. Kanina ko pa siya tinatawagan pero di niya sinasagot ang tawag ko." Hindi sumagot si Mikael, tumingin lang siya sa akin. "Babe, tayo na. Hayaan mo na ang batang 'yan." Sabi nung malanding si Missy. Pinilit kong huwag tumingin ng masama sa babaeng 'yun. Hinarap ni Mikael ang malanding babae. "Dito ka na muna. Ihahatid ko lang si Nicole." "Ano?! Iiwan mo ako para sa batang 'yan. Babe naman." Maarteng sabi ni malandi. "Saglit lang ako. Kung di mo ako kayang hintayin, makakauwi ka na." sabay alis sa kamay ni Missy sa braso niya. Tumingin siya sa akin. "Halika na." "Badtrip. Hihintayin kita dito Babe, ha?" sabi ni Missy sabay ngiti na tila nang-aakit. Ang landi talaga ng babaeng 'to! Tumingin si Mikael sa kanya sabay ngiti. Naiinis na naglakad ako papuntang sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan bago ako umupo. Nakaupo ako katabi ng driver seat. Nang umupo si Mikael at simulang paandarin ang sasakyan ay di man lang siya nagsasalita. Samantalang dati, siya ang di matigil sa pagkwento. "Salamat pala, sa paghatid sa akin." Basag ko sa katahimikan. Di man lang siya sumagot, diretso lang ang tingin niya sa kalsada. "Hindi ko alam na sumali ka na rin sa basketball team. Sabi mo sa akin noon, ayaw mong sumali sa basketball team ng school." "Sumali si Theo kaya sumali na rin ako. Bakit, masama ba?" "H-ha? Hindi naman, hindi ko lang maiwasan na magtaka." Di na siya nagsalita pa. "G-galit ka ba sa akin?" di ko na maiwasang hindi itanong. "Tumingin siya sa akin saglit bago ibinalik ang tingin sa kalsada. "Bakit mo naman naitanong 'yan? May dahilan ba para magalit ako?" "Hindi ko alam sayo. Para kasing iniiwasan mo ako nitong mga nakaraang araw. Samantalang dati lagi mo akong kinukulit." "Sinasanay ko lang ang sarili ko. One month na lang at goodbye highschool na kami. Kaya masanay ka na rin na wala kami ni Theo lagi sa tabi mo." "Pero..." naputol ang sasabihin ko ng makitang ko siyang seryoso. Masanay. Siguro nga dapat masanay na ako. pero bakit ang bigat sa dibdib na tanggapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD