RENALYN SALAZAR'S POV Pagkarating ko sa office. Nagmadali pa akong pumasok sa loob. I was really worried dahil ang sabi ni Harley doon sa call. Galit na galit raw si Mommy sa akin. Tahip-tahip ang kaba ko sa mga oras na 'yun. Ilang paghinga ang ginawa ko habang hinawakan ang door knob ng office. Nakapagtataka dahil hindi sumalubong si Harley sa akin. Mostly kasi agad itong nagpapakita kapag alam niyang nasa Hotel na ako. Mariin kong hinawakan ang door knob. When I finally opened it. I was expecting that I can hear my mother's voice echoing all over the room, complaining of something. Pero hindi boses ni Mommy ang bumungad sa akin kundi isang confetti at isang kanta ang nagpapatigil sa akin. "Happy birthday to you... Happy birthday to you..." Halos maluha ako nang makita ko ang bu

