Choosing your life than staying in a scary place is so much harder. Unang araw ko pa lang rito sa rest house ni Froilan tila hindi ko na yata kaya. And guest what... Akala ko pagpapakasal lang sa kanya ang gagawin ko pero hindi sa ganoong paraan magtatapos ang lahat. I'm being suffocating while being in here, nandoon ang paghihirap ko. I really need to adjust.
"W-What? We're gonna staying in the same room?"
Sa gabing 'yun para akong na bagsakan ng mabigat na bagay sa nalaman ko. Tapos na ako sa lahat-lahat, maligo at magpalit ng damit. Pinahiram ako ni Froilan ng damit niya at isang boxer. Hanggang hita ko ang haba ng kanyang damit. At malaki sa katawan ko 'yun.
Patulog na sana ako nang bigla itong kumatok sa pintuan at sinabi niya na dito siya matutulog sa kuwarto ko.
"We're already married. Magtaka si lolo kung sa ibang kuwarto ako matutulog. I'm gonna stay here tonight."
Ni-lock niya ang pintuan pagkatapos dire-diretsong pumasok sa loob. Napanganga na lang ako sa presko nitong pagsabi nu'n na para bang wala lang ito sa kanya na sa iisang kuwarto kami matutulog.
Mabilis akong pumunta sa kanyang harapan. Hinarangan ang dinaraaan nito nang maghubad siya ng damit.
"T-Teka! Teka! Hindi naman yata pwede 'yan. Alam mong hindi kita kilala at sa pilitan ang pagpakasal ko sa'yo. We don't need to pretend anymore that we're loving each other. So, walang rason para matulog tayo sa iisang kama. You're a stranger and I hate you for blackmailing me!" walang pakundang kong sabi.
Walang emosyon niya akong tiningnan. Kahit masiyadong nakakasilaw ang matikas na katawan nito. Buong atensyon ko ay nasa mukha niya lang. I want to stay away from the temptation. Pakiramdam ko sa mga titig niya pa lang manginig ka na. How much more sa kanyang katawan na parang myembro ng sundalo sa laki ng hulma. Ito ang isa sa dahilan kaya nakakatakot siya dahil parang kaya ka nitong patumbahin nang walang kahirap-hirap.
"I hate to do this. But I don't have a choice. This is part of our marriage, being in the same room. We don't need to pretend that we're in love. Unless if my grandpa is on us."
"Kahit na...Hindi ako sanay na may kasama sa iisang kuwarto. I want you to leave!" mariin kong sabi.
Mula kanina ngayon lang yata ako nagkaroon ng lakas ng loob para sitahin ito. He just looked at me boredly.
"This ain't your room. You're the one who leave if you want. Unless if you want to sleep with my men? There's no room available here." He raised his eyebrows.
And for the second time around my jaw dropped. Kinurap ko ang mga mata dahil masiyado itong presko. Hinintay niya kung may sasabihin pa ako pero dahil natanga na ako sa kanyang harapan. Nilagpasan niya ako at dumiretso siya sa bathroom.
Gusto kong magsisigaw sa inis. Oh hell! Bakit niya ba ako pinapahirapan nang ganito.
Umupo ako sa kama para mag-isip kung saan ako hihiga. Hindi na ako pwedeng umalis rito sa kuwarto dahil aniya'y wala ng room dahil ikupado sa mga tauhan niya. Kung sa bagay, sa dami ba namang mga naka men in black. Ubos talaga ang mga kuwarto sa rest house na ito, kahit gaano pa ito kalaki.
Malaki ang kuwarto na ito, pwede akong humiga sa sahig. Hindi ako sanay pero gugustuhin ko na lang matulog rito kay sa makatabi ang lalaking 'yun sa iisang kama. Hindi ako sanay na may kasama sa higaan. So, here it is... For the first time in my life. Dito ako sa sahig matutulog. Titiisin ko na lang ang lamig.
Bago pa siya matapos sa pag-shower humanap ako ng magagamit para mailapag ko sa sahig at isang kumot. Nakahanap rin agad ako ng isang manipis na foam at isang comforter. Kumuha lang ako ng unan sa kama, binawasan ko ang apat na unan roon. Agaran kong nilapag ang foam. Medyo malayo ang distansiya ko sa kama.
Sinubukan kong matulog kahit hindi ako komportable sa paghiga ko. Ilang beses akong palimbag-limbag. I tried to find a comfortable position. Naka-ilang paglunok pa ako sa ilalim ng comforter nang marinig ko ang pagbukas ng shower room, hudyat na tapos na si Froilan maligo.
I can smell the shampoo and soap, sobrang bango ng room pagkalabas niya. Hindi masakit sa ilong.
Hindi na ako gumagalaw sa higaan dahil ayaw kong isipin nito na gising pa ako. Pikit lang ang mata ko ngunit hindi ko mapagtanto kung bakit nagharumentado itong damdamin ko sa presensiya ng lalaki.
Narinig ko ang footstep niya palapit sa gawi ko. And I can feel his presence standing at my back. And I can scent him, he's smell so good.
"Why are you sleeping on the floor?"
Dahil nagpanggap akong tulog. Hindi ko ito pinansin. For what? Halata namang ayaw ko siyang makatabi sa kama, a side sa hindi ko siya kilala. Nakakatakot rin ang lalaking 'yan. So, bakit niya pa tatanongin?
"Who told you to sleep in there!" aniya ulit sa baritonong tinig. Umaalingawngaw 'yun sa buong kuwarto.
Iniisip ko na lang sa mga oras na 'yun, pagtyagaan ko na lang ang pagsama sa lalaking ito hanggang makauwi ang Lolo niya. Wala rin naman akong magagawa lalo na't maraming mga tauhan rito sa rest house at hindi ako basta-basta makakatakas.
"Hey..." he called me again. He tried tapping my shoulder. But I'm a good actress napaniwala ko siyang natutulog na nga ako dahil kalaunan umalis siya.
Narinig ko ang malaking closet na bumukas. Sinilip ko sandali ang gawi nito at nakita kong nagbibihis na ito ng susuotin. Naka towel siya sa bandang ibaba. Ngumuso ako nang tanging likod niya ang nakita ko. May malaking tattoo sa kanyang likuran, halos sakupin na ang buong likod. It's hard to figure out what's behind that tattoo. Pati braso niya may tattoo rin. I can't believe that his built was so masculine, also his biceps.
Nang makita kong nagsuot na ito ng puting t-shirt bumalik ako sa pwesto kanina kung ano ang posisyon ko sa pagtulog. Narinig ko na naman ang mga yapak niya palapit sa akin.
"I'll carry you on the bed. You must sleep in there. I'll be the one who gonna sleep here instead."
Hindi ko alam kung na pansin niya ba na gising ako dahil kinakausap niya pa rin ako kahit alam niyang tulog ako. Or maybe he knows that I'm pretending?
Before I could react. Naramdaman ko na lang ang pag-angat ko sa foam. He carry me, gusto kong magsigaw sa gulat pero dahil walang hirap niya lang akong pinasan. Pinakalma ko na lang ang sarili at pinikit na lang ang mga mata nang mariin. Still pretending that I'm asleep.
Ilang sandali pa naramdaman ko ang paglapag niya sa akin sa kama. I really don't know pero para akong nagkaroon ng kaunting tiwala sa kanya. Akala ko sobrang sama niya na talaga at hahayaan na lang niya akong matulog sa sahig, pero hindi niya ako hinayaan na matulog lang roon.
Does he care for me? Or maybe he just want to act a good husband? Nakonsensiya kaya siya dahil nagpakasal ako sa kanya ng sa pilitan? And this is his way to take good care of me?
Naramdaman ko pa na nilagyan niya ako ng kumot bago siya umalis sa tabi ng kama. Narinig ko ang pagpatay ng ilaw at tanging dim light ng kuwarto ang natira.
Sa gabing 'yun nakatulog agad ako na walang ibang iniisip. Imbes na pagkukunwari lang ang tulog-tulugan ko nauwi sa makatotohanan. I felt really safe knowing that Froilan was on the floor. Guarding me and letting me sleep on his smoothy bed.
Tomorrow morning I wake up with heavy feels on me. Of course I'm still here, nakakulong sa rest house. Kahit isang araw pa lang ang lumipas mula noong nawala ako. Ngunit namimiss ko na ang buhay ko.
Pagtingin ko sa sahig kung saan nakahiga si Froilan wala na siya roon. Wala na rin ang foam saka comforter. Maayos na nakatupi sa isang sulok. Ngumuso ako at bumangon. Ngunit na pansin ko sa paanan ang isang plastic na puti.
"Para sa akin ba 'yan?" I asked to myself.
Agad ko 'yung kinuha at tiningnan ang laman. I saw toothbrush na kulay pink, suklay sa buhok, and cleansing for my face. Hair shampoo and conditioner. Also other personal care for woman. I even saw lotions na mamahalin.
Alam kong para sa akin talaga ito dahil wala namang babae sa rest house para gumamit ng ganito. Kahit hindi ako gumagamit ng mga ganitong brand, wala akong magawa kundi ang gamitin ito dahil kailangan ko rin talaga mag-sipilyo at gumamit ng iba't-ibang beauty care sa katawan ko.
Parang gusto ko na tuloy magtiwala kay Froilan lalo na't nakita kong gumagawa ito ng paraan upang maging komportable lang ang pagtira ko rito nang ilang araw. Pero kahit na ganoon, gusto ko pa rin umuwi. All I need to do is to make a better way to escape. Pero paano? How to escape in this Island full of bad men?
Naligo muna ako sa umagang 'yun, naghanap ulit ako nang pwede kong masuot sa closet ni Froilan. Nakakita ako ng longsleeve na puti at isang boxers shorts.
Mahaba ang suot kong long sleeve, umabot hanggang hita ko at natatabunan ang boxer shorts kong suot roon kaya para akong walang suot sa lower part. Tinali ko lang ang buhok pagkatapos lumabas na ako ng kuwarto.
"Magandang umaga Ma'am. Handa na ang pagkain niyo sa dinning table. Dumiretso na kayo roon dahil naghihintay sa inyo si boss at ang lolo niya." Nagulat ako sa biglaang bungad sa lalaking grey ang buhok. Sakto talaga ang paglabas ko naka-abang ito sa pinto.
Nakangiti ito nang malaki sa akin at maaliwalas ang pagbati niya. Kinunutan ko siya ng noo. Inaalala ko ang pangalan nito.
"Hindi ba't ikaw si Freddie?"
"Tama kayo riyan. Ako nga... Kung may gusto kayong i-utos sabihin niyo lang sa akin. I'm here to give you a free services."
Ngumiwi ako dahil sa masiyadong maligalig nito. Mukhang ito lang yata ang nakikita kong tauhan rito sa rest na hindi masiyadong seryoso sa trabaho niya, palaging nakangiti at para bang hindi problemado sa buhay.
"Lahat ng utos ko gagawin mo?" mariin kong tanong.
"Yes, Ma'am... Lahat gagawin ko, dahil 'yun ang utos ni bossing."
Namungay ang mata ko. "Kung ganoon, itakas mo ako sa Isla na ito. Gusto ko ng umuwi."
Nawala ang ngiti niya. Sumimangot siya.
"Ipaalam ko muna kay boss Froilan."
Sinamaan ko siya ng tingin. Pinagloloko ba ako ng lalaking 'to?
"Bakit mo sasabihin. Dapat sekreto lang ang pagtakas mo sa akin."
"E, sabi ni boss kung may utos kayo dapat ipaalam ko muna sa kanya bago ko gagawin, kaya naman-"
"I can hear both of you!"
Nanlamig ang mukha noong Freddie nang marinig namin ang boses ni Froilan na kalalabas lang galing sa kabilang pasilyo.
Umatras palayo si Freddie, pumunta sa likuran ko at may binulong siya sa akin.
"Narinig niya tayo, Ma'am... Alam ko na ang sasabihin n'yan. Magagalit 'yan sa'yo."
"What the fúck are you whispering in her ear, Fred?" Nanaliksik ang mata ni Froilan habang diretso ang tingin sa lalaking nasa likuran ko.
Narinig ko ang ngiting aso ng kausap niya. "Wala boss... Sinabihan ko lang siya na hindi dapat ito tumakas dahil pareho kaming mamatay. Paano na lang ang kaguwapohan ko niyan kung e tsugi mo lang... Mauna na ako boss. Tinawag yata ako ni Jerremiah!"
"I didn't heard him calling your name!" iritadong saad ni Froilan. At nagulat ako nang maglabas ito ng baril.
"Hindi boss... Narinig ko talaga. Mukhang tinawag niya ako. Sige, mag-usap na kayo ng asawa mo. Maiwan ko na kayo," tarantang sabi ni Freddie. Halatang takot sa presensiya ng lalaki.
Mabilis na umalis si Fred. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa mawala siya sa panigin ko. Binalingan ko si Froilan sa aking harapan. Naigtad ako nang mahuli ko siyang seryosong nakatingin sa akin na para bang may nagawa na naman akong mali.
"What did I just heard? You want to escape?" baritono nitong tanong. Umigting ang panga nito. He's mad again. Well, kailan ba naging kalmado ang tinig niya sa akin? Palagi namang galit.
Tiningnan ko siya gamit ang walang gana kong mga mata.
"Ano ngayon kung gusto ko ngang tumakas?" matapang kong sabi pagkatapos nilagpasan ko na ito dahil naiinis ako bigla sa pagtatanong niya.
"Huwag kang bastos. I'm still talking to you." Hinablot niya ang braso ko. Binalingan ko siya at naabutan kong umuusok ang tingin niya sa galit.
"Akala ko ba tapos ka na sa pagtatanong?" sarcastic kong wika sabay taas ng kilay.
Huminga siya ng malalim. Nagkasalubong ang noo nito. Siguro nagtaka siya dahil pinakita ko talaga na hindi ako takot kung pagalitan niya ako ngayon. At isa pa, wala naman akong nagawang mali para sa akin siya magalit. Kinausap ko lang naman si Freddie.
"Don't talk back-"
"I have a mouth. Of course I can talk to you freely."
"Shut up!" mariin nitong turan. Mas lumalala ang pagka-iritado nito. Binitawan niya ang braso ko nang tinitigan ko lang siya gamit ang walang kabuhay-buhay kong tingin. He deeply sighed before he lead the way. "Go, eat your breakfast. My Lolo wants to see you in the dinning table. Hinintay ka niya. He wants to talk to you."
Uminit ang mukha ko. His Lolo? Ako lang ba ang haharap sa matandang 'yun?
"What about you? Hindi mo ako sasamahan?"
Sumeryoso ang tingin niya sa akin. "You're being annoying this morning. I can't go with you. Talk to my grandfather alone." Binalik niya ang baril sa kanyang likuran. At walang gana akong pinagmasdan.
Inaasar niya ba ako?
"Really? Paano kung sabihin ko sa Lolo mo na sa pilitan ang pagpapakasal ko sa'yo at binantaan mo ang buhay ko? Ano kayang sasabihin niya kapag nalaman niyang nagsinungaling ka sa kanya." paghahamon ko rito.
Akala ko masindak ito ngunit hindi ko inaasahan ang madilim niyang ngisi na talagang kikilabutan ka.
"Tell him then, that we're just pretending in this fúcking marriage. I swear, he will be the one who kill you. Hindi mo kilala ang Lolo ko, once he knows that you're a damn liar. And you're trespassers in this Island. Hindi ka na talaga makakalabas sa Isla. And i can't help you, Ms. Rena Salazar!"
I don't know kung tinatakot niya ba ako pero effective ang sinabi niya. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. But I keep my posture straight. I looked at him angrily.
"Hindi ako matatakot. Alam kong sinasabi mo lang 'yan para hindi ko sasabihin sa lolo mo ang totoo."
"Then try me, Rena... You won't like the result if you will tell him the damn fúcking truth."
After that he leave me dumbfounded. Pumasok siya sa kuwarto namin at naiwan akong tulala sa kawalan. Hindi alam kung susundin ko ba ang gusto kong mangyari. Paano kung tama nga siya? Baka 'yung Lolo niya pa ang papatay sa akin lalo na't trespassing lang ako rito sa Isla.