Hindi ko mawari kung ano'ng problema ni Froilan. Sobrang tahimik niya talaga, maski noong makarating kami sa isang private restaurant na kaming dalawa lang ang nandoon sa isang room. Wala rin siyang imik. Sinulyapan ko lang ang reaksyon nito habang naghihintay kami ng order. Unang ni-reserve ang isang grapes wine, 'yun muna ang ininom ko para may magawa man lang ako. Para akong walang kasama ngayon dahil maski isang salita wala akong narinig galing sa kanya. I keep on glancing on him. Pero seryoso itong nakatingin sa kanyang wine glass. Malalim ang iniisip at parang wala pa rin sa mood. "By the way... Sobrang busy namin kanina. Iniwan ko na lang 'yung trabaho sa office, dahil biglaan kang nag-text na kumain tayo ng lunch." Umayos ako sa pagkakaupo. Ilang beses akong tumikhim. I hope

