Nagdalawang isip ako ngayon kung sino ba talaga ang pipiliin ko. Ang reputasyon na iniingatan ni Froilan na nasa hard drive nakatago, o ang Lolo Rufino niya na nanganganib ang buhay ngayon. "Kahit ano'ng mangyari huwag mong ipaalam kay Froilan na kasabwat kita sa pagkuha ng hard drive. K-Kailangan nating makuha ang bagay na iyan, iha. Ngayon na. Dahil papatayin nila ako-" Nawala na lang bigla sa earpiece si Mr.Rufino. Hindi na natuloy ang gusto niya pang sabihin. Napahinga ako nang malalim. I tried to calm myself. Patuloy pa rin ang barilan ng mga kalaban sa loob ng VIP room. Habang nagtatago naman ako ngayon sa ilalim ng lamesa. Hindi alam ang gagawin. I can't help them. Kapag sasali ako sa barilan ngayon baka magtaka pa si Froilan kung sino ako. Baka turing niya sa akin ay isa rin

