FROILAN MONAREZ POV "Boss, sa pag-imbestiga namin doon sa crew ship na sumabog. Isang taon na ang nakalipas. Lahat ng nandoon sa loob ng barko namatay po. Ito ang listahan ng mga nasawing bangkay at nandiyan na rin ang lahat ng guest. Ang iba pinaghahanap pa ang kanilang katawan hanggang ngayon. Under investigation rin ang nangyari doon. Walang nakakaalam sa totoong nangyari dahil may nagtakip nito. Sa tingin ko ang big boss ng Crimson Syndicate ang may gawa." "You can go now. I'm gonna check on it," sabi ko sa tauhan na inutusan kong mag-imbestiga sa nangyaring pagsabog na crew ship, isang taon na ang lumipas. Until now, I wanna know what's behind it and who was the master mind of Crimson Syndicate. Gusto ko ring malaman kung sino ba talaga ang nawala sa araw na iyon at kompirmadong

