"Where are we going?" Sa gabing 'yun, sinabihan ako ni Froilan na magbihis raw kaming dalawa. May pupuntahan kami. "You want to see Grethel?" tanong niya. Natigilan ako sa aking upuan at gulat siyang binalingan. "Where is she?" "Nasa hide out. Pupuntahan natin ngayon. You can talk to her if you want." Hindi ko na alam ang gagawin habang bumyahe kami sa madilim na kalsada. Malalim na ang gabi nang makatanggap siya ng tawag nila Freddie at Jerremiah na hindi raw nila nahuli si Sullivan noong hinabol nila ito kanina. Tanging mga kasamahan lang raw ng matandang 'yun ang napatay nila. Galit na galit pa nga si Froilan nang malamang hindi nahuli si Sullivan. Ilang beses na raw itong nakatakas. Pati rin noong araw na sinugod nila ito sa kanilang main headquarters pero ganoon pa rin naka

