By: Michael Juhaemail: getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full ------------------------- Sinundan ko ng tingin ang papalayong taxi na sinakyan nina Kuya Renan at Jimjim hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa aking paningin. Doon ko na naramdaman ang pagdaloy ng aking mga luha. Akmang babalik na sana ako sa loob ng bahay nang nagulat naman ako sa aking nakita. Si Jake ay nasa likuran ko lang pala at nakabantay sa akin. “Sorry sa nangyari kanina,” ang sambit niya. “Salamat din sa pagpanig mo sa akin kanina.” “Okay lang iyon. Hindi naman talaga tama ang ginawa niya sa iyo eh. Hindi ako sang-ayon sa ginawa niya kay Renan. Atsaka, ano lang ba iyong pagtira ni Renan sa bahay. Napakayaman ng daddy natin, ano lang ba iyong pagtira at pagkain ni Renan. Nagta-trabaho na

