ATHENA WAS STRIPPED NAKED. Tumakbo ang dalaga papuntang dagat at walang pag-aalinlangang lumusong sa tubig. Nilingon lamang ito ni Jeric nang marinig ng lalaki ang pagtatampisaw ni Athena sa tubig. “Come here!” tumatawang yaya ng dalaga habang lumalangoy palayo. Ngunit hindi gumalaw si Jeric. Nagtatalo ang isip niya kung ano ang gagawin ng mga sandaling iyon. “Oh, come on! Huwag ka namang kill joy,” tawag ulit ng dalaga. Nasa bandang balikat na nito ang tubig-dagat. “It’s my birthday, remember?” Napasulyap si Jeric sa mga damit ni Athena na nasa buhangin. Sunod-sunod ang paglunok niya nang makita ang puting underwear nito. Agad siyang pinamulahan ng mukha. “Kung hindi ka pupunta rito, sige ka, babalik ako sa mansion na nakahubad!” banta nito. Nagsimulang lumangoy ang dalaga pa

