POV: Third Person Location: Isang abandonadong warehouse, madilim, malamig, at amoy kalawang. "Hayop ka, Nimfa!" sigaw ni Yvone, habang ubod ng lakas na kinakalampag ang bakal na pinto ng kwarto kung saan siya ikinulong. "Pakawalan mo 'ko dito! Wala naman akong ginagawang masama sayo! Anong kasalanan ko para ikulong mo ako ng ganito?!" Mabigat ang hininga ni Yvone. Pawisan siya at bahagyang nangangatog—hindi lang sa takot kundi sa galit. Naghahalo sa loob niya ang sama ng loob at pangamba. Sa labas ng rehas, nakatayo si Nimfa, naka-cross arms habang nakangiti ng mapang-asar. Waring tuwang-tuwa ito sa pagkakakulong ni Yvone. "Don’t worry, pakakawalan din naman kita... after ng birthday ko." ani Nimfa na parang batang nagseselos. "Gusto ko lang ng… peace of mind. Kasi pag nandyan ka, an

