Sa Resort — Third Person POV Pagkababa nila sa sasakyan ay agad silang sinalubong ng mga staff ng hotel. Suot ni Lucian ang isang dark polo shirt na binagayan ng kanyang maong pants, habang si Yvone ay napapansin ng lahat dahil sa kanyang presensiya—simple pero elegante, kahit pa naka-crop top at shorts lang siya. Agad kinuha ng bellboys ang kanilang mga gamit at inihatid sila sa loob. Pagpasok pa lang sa main lobby ng resort ay naamoy na agad ni Yvone ang halimuyak ng lavender scent sa paligid. Mamahalin. Tahimik. Classy. Makikita sa bawat sulok ang pagiging exclusive ng lugar. Habang naglalakad sila sa kahabaan ng hallway patungo sa rooms, napalingon si Yvone kay Lucian. "Wait lang... huwag mong sabihing iisa lang ang kuwarto natin dito?" nakataas ang kilay niyang tanong. Napangisi s

