MAHINA at sunod-sunod ang naging pagkatok niya sa kwarto ng kanyang abuela. Ilang sandali lang na paghihintay ay bumukas ang pinto. Ang caregiver na kinuha ni Mark ang nag-aalaga rito. Hindi rin siya naniniwala na inaalagaan ito ng ama dahil ilang ang caregiver at nurse’s ng abuela niya sa loob ng silid nito. “Pasok po kayo sir. Matagal na po kayong hinihintay ng inyong lola,” wika sa kanya ng nurse. Tumango siya sa sinabi nito na akala mo ay kilalang-kilala siya kung kausapin samantalang hindi naman nakikita ng mga ito ang kanyang mukha. Todo ang ngiti nito at ng ilang nurses na naroon. Kilig na kilig sa kanya. “Salamat,” sagot niya. “Pwede bang iwan niyo na muna kami ni Lola?” pakiusap niya pa kaya tumango ito. Niyaya nito ang apat pang kasama sa loob ng silid. Napansin niya ang isan

