When I woke up that night he has already left. I messaged him and saved his contact number. I accepted him to be my roommate and he assured he will move in the next day. He said he'll bring in two large suitcases and a box full of his belongings, and that he will start his first day in my apartment organizing his things. He sounds so excited.
Tinawagan ko si Sheena bago ang umagang 'yon. Kinikilig pa siya nang malaman niya na pumayag ako na si Keith ang maging roommate ko.
"Ano ka ba, Maja! Tama naman si Keith e. You should open up your heart again. Hindi por que sinaktan ka ng first love mo e sasaktan ka na ulit ng pangalawa."
I sighed. "Yeah, alam kong tama siya, pero... I'm not ready yet. You know that. And I just want to focus on myself right now."
Pumalatak si Sheena. "Alam mo girl, hindi ka naman niya pinipilit na maging girl friend niya a. Ang sabi niya, palagi siyang nand'yan hanggang sa makapag-move on ka nang tuluyan. Bonus na lang kapag minahal mo siya pabalik. Pero kung ako sa'yo, g na ako d'yan kay Chef. Suwerte ka na d'yan 'no."
"Alam mo namang ayaw kong magmahal out of convenience, Shi. Napunta na kami ni Gino d'yan. Sinabi niya lang na mahal niya ako kasi ako 'yong palaging nand'yan pero kung titingnan nating maigi, never nagkaro'n ng feelings si Gino para sa akin. Naawa lang kaya sinabing meron. Ayoko na dumating kami ni Keith sa puntong 'yon."
Humugot siya ng hininga bago nagsalita ulit. "Basta ako, Maja, boto ako d'yan kay Keith. He never stopped asking about you, you know?"
" Ha? "
" Sa loob ng apat na buwan, palagi ka niyang tinatanong sa'kin. Hindi ko nga lang binigay contact number mo at bagong address dahil sabi mo ayaw mo munang magkaroon ng connection kay Gino. Kahit na hindi kayo nag-uusap, may balita 'yon sa'yo dahil sa'kin. "
Tumaas ang kilay ko ngunit ang lakas ng kabog ng dibdib ko. " At talagang binebenta mo ako, Sheena? "
" Gaga, anong binebenta. Nagiging matulungin lang ako sa isang kaibigang nangngangailangan. "
Napairap ako. " O siya, bye na. Matutulog na ako. "
" Bye, mapanaginipan mo sana si Chef. "
————
I cooked simple bacon and eggs for breakfast. Dinagdagan ko na dahil baka gutom 'yon pagdating niya. Tapos isinangngag ko ang kanin na natira kagabi. Nilagay na niya pala sa ref ang ulam na niluto niya. Ininit ko 'yon at isinama sa pagkain na niluto ko. Then I heard the doorbell ring. Mabilis kong pinatay ang stove at pinagbuksan ng pinto si Keith. He smiled at me and entered the room, pulling his luggages behind him. He flopped on the couch and removed his jacket and bonnet.
" Grabe, nakakapagod pa rin talaga ang biyahe mula Pagudpod hanggang dito. "
Natawa ako. " Bakit kasi hindi mo ako tinawag e 'di sana natulungan kitang iakyat lahat ng gamit mo papunta dito. "
Nagpunta ako sa kusina at ikinuha siya ng isang baso ng malamig na tubig. He took it and drank all of its contents.
" Ayokong maistorbo kita, ang aga-aga. "
Tinawanan ko lang siya. " Not really. " Kinuha ko ang baso at hinatak siya papuntang kusina. " Kumain ka na ba? "
Napangiti siya. "Ang sweet naman. Baka lalo akong mahulog n'yan."
Inirapan ko siya. "Bolero."
Naglagay ako ng dalawang pinggan at dalawang baso sa lamesa at isang tasa ng kape sa kanya pagkatapos ay naghain na ako para makakain na siya. I asked him to sit down and he did. Pagkatapos ay nag-umpisa na kaming kumain.
"Ansarap naman nito, Chef Maja!" masayang sabi niya na ikinatawa ko.
"Inaasar mo ba ako, Keith?"
He pouted. "Hindi a." Bakit ba napakaligalig nitong Keith na kasama ko ngayon kumpara sa Keith na nakilala ko noon?
"Ang ligalig mo. Ikaw ba talaga si Keith Figueroa?" natatawang saad ko.
Tumawa lang siya. "Minsan sa sobrang pagfo-focus natin sa ibang mga bagay, hindi natin napapansin 'yong nasa paligid natin."
"Lalim."
Tahimik na lumipas ang oras sa pagitan naming dalawa. Napakaaliwalas ng mukha niya no'ng umaga na 'yon. Nakakatuwa lang. Kalmadong-kalmado siya. Ngayon ko napansin na hawig niya pala si Paulo Avelino.
"Matutunaw ako n'yan, Maja."
Inirapan ko siya. Tapos nangalumbaba sa lamesa. " Kahawig mo pala si Paulo Avelino, 'no?"
"Huh?" takang tanong niya.
"Ang sabi ko, kamukha mo si Paulo Avelino."
Tinawanan niya lang ako. "Mas gusto kong maging kamukha 'yong future husband mo."
Inirapan ko siya at nag-umpisang magligpit ng pinagkainan. I can feel my heart beating faster. What the hell is wrong with me?
Iniwanan niya ako sa kusina at pinuntahan ang mga gamit niya. I started washing the dishes. Tinakpan ko ang mga natirang pagkain para hindi langawin. Nang matapos ako sa ginagawa ko ay nagtungo ako sa salas. Naabutan ko siyang binubuksan ang malaking kahon na bitbit niya. Napalingon siya sa akin nang nilapitan ko siya.
"Ah, Maja, may ipinapabigay pala si Krystal sa'yo."
I remembered the beautiful face of Gino's wife. That sweet girl. Sumandal ako sa sofa at pinanood siya habang may hinahalungkat sa box.
"Anong oras ka pala umalis kahapon? When I woke up, wala ka na."
"No'ng nasiguro ko na tulog ka na." He looked up at me. "Why?"
"Wala lang."
Ngumisi siya. "Na-miss mo naman agad ako. Hayaan mo, araw-araw mo na akong makikita."
I snickered. "Sabi mo e."
May inilabas siyang plastic bag mula sa kahon at iniabot 'yon sa'kin.
"Hobby ni Krystal. Alam mo na, nagbubuntis. Nabuburyong at ayaw naman nilang pakilusin masyado."
Binuksan ko 'yon. Scarf 'yon na ginantsilyo. Kulay asul at violet. Napangiti ako. Kahit kailan talaga, napaka-thoughtful ng kapatid niya. "Ginawa niya 'tong buo?"
He nodded. "Sa loob lang ng isang buwan. Masyadong bored e."
Natawa ako. "Pakisabi salamat."
He softly laughed. "I guess it's time for me to move these, right?"
Inilapag ko ang scarf sa sofa. "Ah, oo nga pala. Do'n ang kuwarto mo, Keith. Dito sa kabila ang kuwarto ko, as you know. May sariling banyo 'yong sa'yo so you don't have to worry about me taking too long in the shower."
He smiled to himself. "Okay."
I opened the other room and helped him with his luggages. He started unpacking and I went on my usual routine. Paminsan-minsan ay chine-check ko siya sa ginagawa niya. But most of the time, I occupied myself with writing. Besides, I don't have anything else to do. Sayang din ang kita at sayang ang oras kung wala akong gagawin at tutunganga lang.
No'ng pagabi na ay pinuntahan ko siya sa kuwarto niya. The door is wide open anyway. He was arranging his clothes in the spare closet that I have. Napalingon siya sa akin at ngumiti siya nang makita niya ako.
"Okay din pala 'tong apartment mo 'no? Kumpleto ng gamit," he said. "Buti na lang sinabihan mo ako na huwag nang dalhin 'yong mga furnitures sa kuwarto ko, kung hindi hindi natin malalaman pareho kung saan 'yon ilalagay."
"Ah, galing 'yan do'n sa luma kong apartment. No'ng lumipat kasi ako dito, bumili ako ng mga bagong furnitures. E ayoko namang itapon 'yong mga luma kaya 'yong iba, ibinenta ko tapos 'yong iba inilagay ko dito sa spare na kuwarto kasi minsan nagbabakasyon kuya ko dito from Canada."
Itinabi niya sa isang sulok ang kahon ng mga gamit niya at lumapit sa akin na may hawak na dalawang bote ng beer na nakapatong sa bedside table niya. Naaalala ko na noong una kaming nagkausap ay 'yon din ang brand ng beer na inialok niya sa akin.
I took it. "Uhm, 'you want to watch the sunset?"
He shrugged. "Why not."
Naglakad kami papunta sa balkonahe kung saan makikita mo ang dahan-dahang paglubog ng araw. He opened both of the bottles of beer and handed me one. I raised the bottle and he gladly clinked his bottle with mine. The wind is already cold, October na rin kasi.
"Congrats, my new roommate."
Ngumisi siya. "Congrats sa akin."
Moments passed and we both silently watched the sun bathing the surroundings with its golden light as it slowly disappears from the horizon. I'm more of a sunset person, to be honest. And I'm always fascinated with city lights at night too. They are really comfortable and pleasing to me. At, mas gumagana ang utak ko kapag gabi.
"So, bakit ka umalis sa dati mong apartment?"
"Hmm?" I took a huge swig from my bottle and looked at him. "Gino's living in that apartment building too. I just... you know."
Tumango-tango siya. "And also why you changed your number?"
"Yeah."
"I see." Uminom muna siya bago nagsalita ulit. "Kumusta naman ang moving-on process?"
I just laughed and shrugged. "I don't know. But I can assure you, I'm not bitter anymore. More like, lonely. Syempre, wala na akong kaibigan at wala na ring minamahal. Besides, matagal ko na rin namang tanggap 'yong hangganan ng tingin sa akin ni Gino. Ako lang talaga 'yong may problema na umasa pa rin kahit na gano'n. Sabi mo nga, 'di ba, I'm the only one who's responsible for my feelings."
He snickered. "That doesn't apply all the time, babe."
"Maybe it does."
"Nope. Look, babe. Sometimes people will hurt you. Hindi mo puwedeng sabihin na kasalanan mo all the time kung bakit ka nasasaktan. You can't blame yourself all the time."
I sighed. Then drank beer. "I don't want to blame anyone, Keith. Siguro nga nasaktan ako ni Gino noon, pero parts of it, ako 'yong may gawa. Ipinilit ko 'yong 'di puwede. Kaya hindi ko masisi nang buo si Gino. Minsan tayo 'yong gumagawa ng mga bagay na ikasasakit natin."
He softly laughed. "Change subject na nga. Napakaseryoso mo na. Baka mamaya ayain mo na talaga ako maglasing ngayong gabi."
Tumawa ako. "Ayaw mo ba?"
"Gusto ko, pero huwag ngayon. Maybe sa weekends. May pasok ako bukas, ayokong pumasok na may hangover. Baka iba ang mai-serve ko sa mga costumers."
I remembered that he's the in-charge of their restaurant. But hearing him agree on joining me on the things Gino and I usually do before, makes me feel butterflies in my stomach and my heart beating fast. "Sasamahan mo talaga ako uminom?"
Nilingon niya ako at natawa sa expression ko. "Bakit hindi? Halika nga dito," he said, asking me to move closer.
Umusog ako palapit sa kanya at inakbayan niya naman ako. Sakto na umihip ang malakas at malamig na hangin. Nakasuot lang ako ng simpleng t-shirt at shorts. I shivered as the wind kissed my skin. He softly laughed and pulled me tighter.
"Kita mo, kung wala ako dito, e 'di nilamig ka na d'yan."
I softly laughed. "Thank you, Mr. Gentleman."
Hindi siya kumibo. We just stared at the night scene of the city. Mula dito sa balkonahe ng apartment ko ay parang mga ilaw lang sila na nagsasayaw sa dilim. And they are gorgeous.
I miss the times Gino and I would do these contemplation at night. 'Yong puyatan mode. It's so fulfilling for me. Ewan ko lang sa kanya.
But now Keith's here, it feels just like the old times. Iba nga lang ang kasama ko. Ibang kasama na uminom, mag-contemplate, iba na ang kasama sa asaran, iba na lahat.
"Silent again, babe?"
"Ha? Ah." I softly laughed as I drank the contents of my bottle. "Wala lang. Ang ganda ng view."
He softly laughed. "Alam mo, dati, sa Pagudpod, kaya ako gumigising nang maaga kasi pinapanood ko 'yong pagsikat ng araw. Sunrise person talaga ako. But sunset can be very good for me too."
"Bakit?"
He smiled and stared at me with his deep, brown eyes. "Because of you."
And there goes my heart again, noisily beating. I don't understand myself. I don't understand any of this. Why does my heart race whenever he says sweet things to me?
Bakit kagaya ng dati, andito na naman ako, nalilito sa nararamdaman ko para sa kanya at para kay Gino?