"So, Miss Maja. Anong masasabi mo sa mga manonood ng movie adaptation ng nobela mong 'After I Let Him Go'?" Ngumiti ako. "Don't stop dreaming." Matamis na ngumiti ang host pagkatapos ay binalingan ako muli. "Anong nakatulong sa'yo na maabot lahat ng meron ka ngayon? Any inspirations, or experiences..." I softly laughed at glanced at the audience. "Inspiration? Siguro noong nalaman ko na may mga bagay sa buhay natin na minsan lang dadating. Kapag pinakawalan mo, wala na. You missed the chance already. " Muli kong binalingan ang host. "You know what? Twenty years ago, I was scared of taking risks. Ayoko na sumusugal, ayoko na lumalabas sa comfort zone ko. And maybe that trait of mine became the reason why I had my first heartache. Akala ko, hindi ko na kayang magmahal ulit. Ten years of o

