"Do you still love him?" 'Yon ang bungad na tanong sa akin ni Keith nang makapasok ako sa kuwarto naming dalawa. Nakaupo siya sa gilid ng bintana, nakapatay ang ilaw sa kuwarto at ang tanging tumatanglaw lang sa mukha niya ay ang liwanag na nanggagaling sa mga lamp post sa labas ng resort. Tanaw pala sa kuwarto naming dalawa ang lugar kung nasaan kami ni Gino kanina. I can barely see his face, but I can see his eyes full of sadness and pain. He misunderstood me. Just because of Gino and I talking to each other. Alam ko na hindi pa malinaw sa kanya ang nararamdaman ko. I don't want to see him like this. "I—" "After that one month preparation for his wedding, after almost half a year, after we had s*x countless of times, after you whispered sweet words on my ear, do your feelings for Gino

