Nagkagulo ang opisina simula dumating si Diane. Hindi ako mapakali na sila lang ng pinsan ko ang nasa loob. Mas lalo pang kumabog ang aking dibdib pagkarinig kong mga sigawan at siya namang pagmamadaling pagdating ng magulang ni sir Jordan at ang nanay ng makating higad na si Diane. Hndi ako makapasok sa loob napatalon ako sa gulat pagkarinig ko ng mga sigaw sabay pagkabasag ng anumang gamit sa loob. Umabot ng isang oras mahigit ang usapang nagaganap sa loob siya namang hindi mapakaling dating ni Van. Hindi ko napigilang ikwento ang kaganapan. Biglang natahimik si Van at tinanong kung sinong Diane ang nasa loob.. "Lauren can I see a pic of her?" Pinakita ang kanyang picture sa aking PC dahil isang sikat na model si Diane. Napatiim bagang si Van na halatang inip at nagtitimpi sa galit. A

