Halos napabayaan kona ang aking sarili at hindi ko namamalayan ang paglipas ng mga araw. "Good Morning Sir Jordan!" Bating bungad ni Lauren pagkapasok ko sa floor ng opisina. "Lauren? What are you doing here and where is Anita?" Nagtataka kong tanong. "Sir last Friday pa po ang huling pasok ni Anita bilang sekretaryo niyo." Nagtataka din niyang sagot. "What!!" Napatalon siya sa taas ng boses ko! "Where is she Lauren?" "S-sir nung Sabado pa po ng umaga ang flight nila!" Hindi ko alam kung tama ang sagot ko dahil tumigil siya para tignan ako. "What do you mean nila Lauren?" madilim ang mukha niyang tanong. "A-Ay! S-sir pasensiya napo kayo dahil hindi ko alam ang buong detalye." Bwisit bakit ako nuutal wala naman akong ginagawang kasalanan. Anung nangyari at naging mainitin ang ilo ni

