Pasalampak akong umupo sa sofa sabay hagis ng aking pouch at sinipa ang aking stilleto pagkarating sa bahay. Bwisit hindi ako papayag na ang babaeng yun ang makakaangkin kay Jordan. Mas nababagay ako sakanya, isa akong modelong hinahabol ng mga lalaki. Hindi pwedeng tumagal ito mag-iisang buwan na akong nasa Pilipinas kailangan ko ng agarang aksyon! Hindi pa tayo tapos witch! Magiging akin siya sisiguraduhin ko yan sa'yo! "Bakit sambakol ang mukha mong umuwi." Tanong ni mommy. "I saw the witch mommy. Hindi sila bagay mas nababagay kaming dalawa ni Jordan!" Galit kong sabi kay mommy. "Anak makinig ka sa akin. Darating din ang lalaking para sa'yo huwag kang gagawa ng bagay na pagsisihan mo." Mahinahon na payo ni mommy. "Hindi mommy matuturuan din akong mahalin ni Jordan! Maganda ako at s

