Chapter One

2606 Words
Empire University, free wi-fi area. JAMIA ANDREA Lozario: Yehey! My mom bought me a guitar today and she said she'll teach me how to play it! Napahawak nang mahigpit si Peanut sa cell phone niya nang mabasa ang status update na 'yon ni Jamia Andrea Lozario o "Jam" sa f*******: account nito. She hated that girl from the bottom of her heart. Nanggigigil na t-i-n-a-ype niya ang "comment" niya gamit ang kanyang fake sss account na ginawa niya upang hindi siya nito makilala. Little Miss Basher: Who cares if your mom bought you a guitar? Jamia Andrea Lozario: Hey! This is my account! I can rant all I want here! Why do you hate me anyway? Little Miss Basher: Because you're arrogant, stupid and you are an attention w***e! Hindi na ito nagkomento pa. Siguradong i-a-"unfriend" na naman siya nito sa account nito. Gagawa na lang uli siya ng panibagong account para patuloy itong ma-bash. 'Yon lang ang tanging outlet niya para kahit paano ay mabawasan ang bigat ng kalooban niya dahil sa babaeng 'yon. I swear. Makahanap lang ako ng pagkakataon, makakaganti rin ako sa Jam na 'yan. Iniligpit niya ang gamit niya at nagmamadaling umalis ng park. May part-time job pa kasi siya. Ngunit sa pagpihit niya paharap ay may nakabungguan siya. Nabitawan niya ang mga gamit niya kasabay ng pagkalat din ng mga flyers sa kalsada. "Mag-iingat ka na naman sa susunod," angil niya sa lalaki habang pinupulot niya ang mga gamit niya. "Hmm." Nag-angat siya ng tingin sa binatang naka-squat din tulad niya habang pinupulot ang mga nagkalat na flyer. She knew this boy. Ito ang tinaguriang "robot" ng Empire dahil hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. He was Braiden Alden Wycoco, if she wasn't mistaken. Sinalubong nito ang mga mata niya nang marahil mapansin nitong nakatitig siya rito. Ah, he was very handsome, indeed. Pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin saka ito mabilis ding nilayasan. *** "GUITAR LESSONS exclusive for Empire students? This is cool, Bread!" tuwang-tuwang wika ni Connor habang binabasa ang isa sa mga leaflet na ginawa niya para sa anunsiyo niyang 'yon. "And the proceeds will go to your family's foundation, right? The Wycoco Foundation?" Tumango lang siya bilang sagot dito. Bago pa man din maging congressman ang ama niyang si Fortunato Wycoco ay nakatatag na ang Wycoco Foundation. Hindi isinasapubliko ng kanilang pamilya ang pagtulong. Hindi niya sasabihin sa mga magiging "estudyante" niya kung saan mapupunta ang ibabayad ng mga ito sa kanya. Bilang anak ng isang kilalang pulitiko, hindi maiiwasan kung bigyan man ng kulay ng ibang tao ang binabalak niyang pagtulong kaya gagawin niya 'yon ng tahimik. Nag-thumbs up si Connor sa kanya. "Cool! Don't worry, binibigyan kita ng permisong pansamantalang hindi um-attend sa mga House Party natin." Tumango lang uli siya bilang pasasalamat dito. Ito kasi ang leader ng HELLO – ang banda na kinabibilangan niya – kaya dito siya humingi ng permiso upang lumiban sa mga practice sessions nila upang makapag-concentrate siya sa guitar lessons na ibibigay niya. "Let's go, Bread." Inakbayan siya nito at inakay na palabas ng clubroom. Nagpatangay na lamang siya rito. Paglabas nila ay humakot na naman sila ng atensyon mula sa mga kababaihan. Subalit dahil si Connor ang kasama niya, wala ni isang nagtangkang lumapit sa kanila na ikinahinga niya ng maluwag. Kapag kasi mag-isa siya, nagugulat na lang siya kapag may nanghaharang sa kanya upang hingin ang numero niya o ayain siyang lumabas. Agad niyang pinagalitan ang kanyang sarili. Nagtutunog mayabang na ang dating niya kahit totoo naman ang mga 'yon. Binabasa niya uli ang flyer upang tingnan kung may mali ba sa mga isinulat niya ro'n. Subalit ilang segundo pa lang ang lumipas ay may bumunggo na sa balikat niya. Nabitawan niya ang flyers na hawak niya. "Mag-iingat ka naman sa susunod," masungit na sabi ng babaeng nakabungguan niya. Pinupulot na nito ang mga gamit nito. "Hmm," he said noncommittally. Nag-squat na rin siya habang pinupulot ang mga flyer. Habang magkaharap sila ay naramdaman niyang nakatitig sa kanya ang babae. Nag-angat siya ng tingin dito. He was surprised to see she was actually beautiful. Pero may kung anong kakaibang emosyon sa mga mata nito ang tila pumiga sa puso niya. Ngunit bago pa niya mapangalan ang emosyong iyon ay tumayo na ito at walang lingon-likod na nilagpasan siya. He stood up and watched her walk away. Ang sungit niya. "Ah, that's Peanut Illustrano," ani Connor sabay turo sa magandang babaeng nakabungguan niya. "She's famous because she's pretty. Pero totoo palang suplada siya." Hindi niya alam kung bakit pero tila hindi naman gano'n ang tingin niya rito. Hindi ito suplada. She was... sad. "Hindi naman siguro." Gulat na napalingon sa kanya si Connor. "Whoah! Talaga bang ipinagtanggol mo siya, Braiden Alden Wycoco?" gulat na gulat na tanong nito na tinawag pa siya sa buo niyang pangalan. "Kailan ka pa nagkainteres sa babae?" Napailing na lang siya. Minsan na nga lang siyang magsalita, napagti-trip-an pa siya. Inalis niya ang braso nito sa kanyang balikat saka ito iniwan. Dumiretso na siya sa parking lot patungo sa kanyang kotse. "Uy, Bread! Patawad na!" Tinaas lang niya ang kamay niya bilang sagot dito bago siya pumasok sa kanyang kotse. Nilagay niya ang makapal na mga leaflet na nakatali ng goma sa passenger's seat. He started the engine and sped away. At dahil makulimlim naman ang kalangitan no'n at malamig ang simoy ng hangin, binaba niya ang bubong ng kotse niya. Limang minuto matapos niyang makalabas ng Empire University, he got stuck on traffic. Tumingin siya sa side mirror niya at nakita niyang nakabuntot na naman sa kanya ang isang itim na van. Napabuntong-hininga siya. Iaatras na sana niya ang kotse niya upang bumalik at maghanap ng ibang daan nang mahagip ng tingin niya ang babaeng sumakay sa jeep na nasa harap niya. Ah, the snub, pretty girl. Pinatong niya ang siko niya sa pinto ng kotse niya at nangalumbaba habang pinagmamasdan ang babaeng naalala niya bilang "Peanut Illustrano." May nakapasak na earphones sa tainga nito habang nagtitipa sa cell phone nito. Bahagyang natatabingan ng mahaba nitong buhok ang mukha nito. He c****d his head to one side to get a better view of her pretty face. I should really get out of here. He couldn't believe he was staring at a girl whom he barely knew. Desidido na talaga siyang umalis nang may marinig siyang ingay. Nang lingunin niya 'yon, nakita niyang nakabalandra na sa kalsada ang isang binatilyo at ang bisikleta nito. Mayamaya lang ay bumaba sa isang magarang kotse ang isang matandang lalaki na may bitbit na tungkod. "Hoy! Nagasgasan mo ang kotse ko! Tatanga-tanga ka kasi! Paano mo babayaran ang sira ng sasakyan ko?!" galit na bulyaw ng matanda sa binatilyo. The boy was obviously terrified. Pero may napansin pa siyang kakaiba rito. Malikot ang mga mata nito. "S-sorry po. Hindi sadya ni Harry..." tila nauutal na wika nito na marahil ang binanggit ay ang pangalan nito. He talked like a child, which was unfitting for a teenager like him. Then, it hit him. The boy was – "Eh sintu-sinto ka naman pala!" He clenched his fists. Sumosobra na ang matandang 'yon. The boy was not normal, indeed, but that old man didn't have to put it that way. Pababa na siya ng kotse niya nang matigilan siya nang makitang bumaba ng jeep si Peanut at basta na lang tinulak ang mga usisero. Fuck these people. Nobody even helped the kid! "Hoy, matandang hukluban! Mag-iingat ka sa pananalita mo. You're hurting the boy," galit na sermon ni Peanut sa matanda habang tinutulungang tumayo ang batang si "Harry". "Bastos kang bata ka, ha! Mas matanda ako sa'yo kaya wala kang karapatang pagsalitaan ako!" "Pasensiya na ho kayo pero hindi ko ibibigay ang paggalag ko sa isang matandang hukluban na nang-aaway ng mga inosenteng bata. At isa pa, kailangan mong dalhin sa ospital ang binatilyong 'to! What if he's injured internally? See, his knees are bleeding!" "At bakit ako gagastos para sa abnoy na 'yan? Baka nga mas mahal pa ang BMW ko sa buhay ng retarded na 'yan." That shitty old man! Bumaba na siya sa kotse niya at patakbo na sana kina Peanut nang matigilan siya sa ginawa nito – kinuha nito ang isang Tupperware mula sa bag nito at sinaboy ang laman niyon sa bumper ng kotse ng matanda. Hindi siya sigurado kung ano ang pulang sarsang 'yon. Malakas na nagmura ang matanda. "Walanghiya kang bata ka!" Akmang hahampasin ng matanda ng hawak nitong tungkod si Peanut na mabilis niyakap si Harry upang marahil protektahan ang bata. Hindi niya hinayaang masaktan ang dalawa. Dahil hindi siya aabot kahit tumakbo siya ng mabilis, dinampot na lang niya ang makapal na tumbok ng leaflet sa passenger's seat ng kotse niya at binato 'yon sa matandang lalaki. Tinamaan ito sa mukha na naging dahilan upang hindi nito matuloy ang masamang plano nito. The leaflets flew around them. "You, old man, don't have any shame. Babae at bata 'yang kaaway mo," mariing wika niya. "At sino ka namang pakialamer – hoy! Saan kayo pupunta!" sigaw nito nang biglang tumakbo sina Peanut at Harry upang tumakas. Galit ito at akmang hahambalusin siya ng dala nitong tungkod. "Nakatakas ang mga bubuwit na 'yon! Ikaw ang mananagot sa –" Bago pa ito tuluyang makapalapit sa kanya ay may tumutok ng baril dito. Mula sa likuran niya ay sumulpot ang dalawa sa mga bodyguard niya na inatasan ng ama niyang protektahan siya. Naalarma marahil ang mga ito dahil talagang sasaktan na siya ng matanda. "Lihim" na nagpapadala ang ama niyang congressman ng mga tao nito para protektahan siya. Gayunman, alam naman niyang nakasunod ang mga ito saan man siya magpunta. Hinahayaan na lang niya basta hindi magpapakita ang mga ito sa kanya kapag hindi kailangan. "Sir, bumalik ka na ho sa kotse niyo. Kami nang bahala rito," magalang na wika ng pangatlong bodyguard niya. Tumango lang siya. "But put down your guns. Tinatakot niyo ang mga tao." "Yes, Sir!" Sinundan niya ng tingin ang tinakbuhan ni Peanut. He thought she was a snub. But now, all he could see in her was a righteous, a little cocky but brave beautiful girl. Hmm... *** HABANG nasa jeep si Peanut kanina ay nakasaksi siya ng aksidente. Uminit ang ulo niya sa matandang hukluban na 'yon na tinangkang saktan pa ang batang naaksidente nito na nagpakilala sa kanya bilang "Harry". Hindi siya nagsisising tinulungan niya ang binatilyong edad labingtatlo. Mabuti na lamang at may isang concern na binata rin ang tumulong sa kanila nang akmang hahambalusin na sila ng matanda. Hindi niya nakita ang mukha ng lalaking tumulong sa kanila dahil nagsiliparan ang pamphlet sa paligid. Isa pa, ginamit niya ang pagkakataong 'yon upang maitakas si Harry. Sumakay sila sa tricycle at dinala niya ito sa pinakamalapit na ospital. Naaawa kasi siya rito. Because obviously, he was mentally handicapped. "Kumusta si Harry, nurse?" tanong niya sa nurse na tumingin kay Harry. "Okay naman ang pasyente, Ma'am. Bukod sa sugat sa tuhod at noo, wala na siyang malalang pinsalang natamo." Tumango siya. "Salamat." Pagkatapos makipag-usap dito ay dumiretso siya sa ward kung nasaan si Harry. Nakaupo ito sa hospital bed habang umiiyak. Napabuntong-hininga siya. Tinahi kasi ang sugat sa noo nito kaya marahil ito umiiyak. Tatlong stitch lang naman 'yon subalit para sa isang bata, masakit talaga 'yon. "Harry, tahan na. Hindi umiiyak ang big boy," alo niya rito. "A-Ate... K-Kuya ni Harry... tawag mo na?" humihikbing tanong nito. Nakangiting tumango siya. "Oo. Papunta na siya rito." Kanina bago niya ito iwan sa doktor na tumahi sa sugat nito ay ibinigay nito sa kanya ang isang tila ID. Nakasulat do'n ang buong pangalan ni Harry at ang mga numerong dapat tawagan kapag emergency. Siguro ay parating ibinibilin 'yon ng mga magulang nito rito kapag may nangyari rito. Tinawagan niya ang numero ng nagngangalang "Kuya Haru." Sinabi niya rito ang nangyari kay Harry at ibinigay niya rito ang address ng ospital. Tumingin siya sa wristwatch niya. Mahuhuli na siya sa part-time job niya. "Harry, kailangan ng umalis ni ate. Kaya mo bang hintayin dito ang kuya mong mag-isa? Big boy ka na, 'di ba?" Pinunasan nito ang mga luha nito at pinatapang ang mukha nito. "Sabi Kuya big boy na si Harry. Hindi na ko iyak. Hintayin ko Kuya rito." Nakangiting tinapik-tapik niya ito sa ulo at inabutan ito ng tatlong candy. "Kapag naubos mo na 'yan, siguradong darating na ang kuya mo." Umaliwalas ang mukha nito. "Thank you, Ate!" Ngumiti lang siya at nagpaalam na rito. Ibinilin na lamang niya ito sa nurse ro'n. Mabigat sa kalooban niya ang iwan ito subalit hindi siya puwedeng mahuli sa trabaho niya. Malapit ang ang second semester at kailangan niyang maka-ipon na ng pang-tuition. Ipon na nabawasan na naman dahil binayaran niya ang hospital bills ni Harry. Pagliko niya ay may tila hangin na dumaan sa gilid niya. Nang lingunin niya 'yon, isang binata na nakaitim na Amerikana pala ang dumaan na 'yon. "Nurse, what room is Harry Bustamante in?" Narinig niyang tanong ng lalaking kadaraanan lang sa gilid niya. Harry? Muli niyang nilingon ang lalaki subalit hindi na niya nakita ang mukha nito dahil tumatakbo na ito papunta marahil sa ward section ng ospital. Nakahinga siya ng maluwag dahil maaaring 'yon ang nakatatandang kapatid ni Harry. Habang naghihintay ng jeep ay nakita niyang isang pulang Audi ang pumarada sa katapat na coffee shop ng ospital. Umibis mula sa passenger's side ng kotse ang magandang babae. Nakasukbit sa balikat nito ang itim na case na marahil ay lalagyan ng gitara nito. Agad na nagliyab sa galit ang dibdib niya. Jam Lozario! Pero tila binuhusan naman siya ng malamig na tubig nang makitang bumaba sa driver's side ang isang magandang ginang. Agad siyang nagtago sa likod ng poste. Dahan-dahan siyang sumilip sa dalawa. Jam looped her arm around the older woman's arm and the two walked inside the shop. Mapait na ngumiti siya. "Iniwan mo ang sarili mong anak para mag-alaga ng anak ng iba?" Yes. Jam's step mother was her real mother. Iniwan siya ng kanyang ina no'ng labindalawang taong gulang siya, two years after her father died. May isip na siya no'n kaya alam niyang nagpakasal ito sa mayamang negosyante. Ang lolo't lola niya sa father side ang nagpalaki sa kanya. Nakilala niya si Jam nang minsang lumabas ito sa isang talk show sa telebisyon dahil isa itong matagumpay na student entrepreneur at anak ng isa ring matagumpay na negosyante isang taon na ang nakakalipas. Sa interview na 'yon din niya nalaman na ang step mom nito ay ang ina niyang nang-iwan sa kanya. Simula no'n ay in-stalk na niya ang lahat ng account nito sa iba't ibang social networking sites. Nalaman din niyang sa East Sun University ito nag-aaral, isang elite na unibersidad na hindi nalalayo sa Empire. Dinukot niya ang cell phone niya sa kanyang bag para sana kunin ang cell phone niya at mag-iwan mula ng maaanghang na salita sa f*******: account ni Jam para maibsan ang sama ng loob niya. Subalit isang pamphlet ang nakuha niya. Marahil ay aksidenteng napasama ang pamphlet na 'yon sa bag niya dahil binuksan niya 'yon kanina nang ihagis niya ang laman ng lunch box niya sa kotse ng matandang hukluban. Binasa niya ang nakasulat sa pamphlet. "Braiden Alden Wycoco of HELLO Band?" Guitar Lessons Exclusive For Empire U's Students Only! For those who are interested in learning to play the guitar, please send me an email at . I will give lessons through Skype only. I have played guitar for 5 years now and have a lot of other guitar experience under my belt so I'm really excited to share it with you. In order for you to confirm your first lesson, please respond to my e-mail with the following: -Your full name -Your Skype name -Preferred lesson time and day of the week. PM only. -Your pricing choice (see below) -Available times: PM only Once I receive your preferred time, I will send you a confirmation email with a link to pay through bank transactions. Pricing: Single guitar lessons for half hour: 1,000PHP Single guitar lessons for 1 hour: 1,500PHP I look forward to starting lessons with you and I hope you're as excited to learn as I am to teach! Thank you! -Braiden Alden Wycoco Napanganga siya sa kanyang nabasa. "Ang mahal naman!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD