Kabanata 3

1835 Words
"MAGANDANG UMAGA PO, Sir. Stefano..." 'Pagkalabas na 'pagkalabas pa lang ni Stefano sa airport ay sinalubong kaagad siya ng bati ng guwardiya. Hindi niya pinansin ito dahil wala siya sa mood. Basta't nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang hila-hila ang peste niyang maleta na punong-puno ng tsokolate na galing pa sa Hongkong, kung saan siya nanatili ng ilang araw para sa isang importanteng meeting. Tumigil siya sa isang tabi saka kinuha ang cellphone sa bulsa. He opened it and dialed his driver's number. Pero ilang segundo na ang lumilipas ay hindi pa rin ito sumasagot. Napamura siya dahil sa inis. He called him again pero ring nang ring pa rin iyon. Mabilis siyang nainis kaya sumuko siya agad. He's about to grab a taxi when someone called his name. Nang tingnan niya iyon, sa hindi kalayuan, nakita niya si Samantha, ang nakakabata niyang kapatid na babae. Napailing siya at nilapitan ito. "What are you doing here?" he asked. "Kuya Stef, mommy told me to fetch you. Iyong driver mo kasi, nag-leave muna kasi may emergency daw." "Kaya ikaw ang sumundo sa akin kasi wala ang lalaking iyon?" Naiikot niya ang mga mata sa hindi malamang dahilan. O inis lang talaga siya kay Erick, ang driver niya. "Bakla ka ba, kuya?" "Me? What the hell, Samantha? I. Am. Not. Ga—" "Then why are you rolling your eyes like this?" Then Samanthan rolled her eyes too. "Can I come in?" may pagkasartiko niyang tanong sa kapatid. "Oo naman. But, wait, did you buy chocolates in Hongkong?" He blew. "Yes, nasa maleta." "Yehey!" She looks like a kid. "Ilagay mo muna iyan sa back seat bago ka pumasok. Ikaw na ang magmaneho, ha? Kakain kasi ako." Muli siyang napabuga ng hangin sa bibig. "Okay, fine!" Binuksan ni Stefano ang back seat at doon ipinasok ang hindi naman kalakihang maleta. Lumipat si Samantha sa back seat kaya naman sumakay na siya at pumuwesto sa driver's seat dahil katulad ng sinabi ng kapatid niya, siya ang magmamaneho. Ini-start na niya ang kotse kapagkuwan ay pinaandar na pauwi sa bahay niya. Yup, he has his own house. Magkatabi lang ang bahay niya at bahay ng pamilya niya. "Where is mom?" tanong niya habang abala sa pagmamaneho. "Nasa hospital, sinamahan si daddy na magpa-check up." His forehead furrowed. "What happened to daddy?" "Sumikip daw ang dibdib this morning." Napatango na lang si Stefano. Medyo matanda na rin kasi ang magulang niya kaya nakakaramdam na ng kakaiba lalo na ang daddy niya. Kaya nang magkasakit ito noon, ipinamana na agad sa kaniya ang Spark Airlines. Ang daddy niya ang CEO ng nasabing airlines noon at ngayon ay nasa pangalan na niya. Hindi lang siya isang CEO, isa rin siyang pilot. Minsan lang siya nagpapaka-piloto dahil kailangan niyang i-pokus ang atensyon sa airlines na mina-manage niya. Hindi niya pababayaan ito dahil nangako siya sa daddy niya na papalaguin niya ang negosyo nila. Actually, tungkol sa partnership sa Spark Airlines ang pinunta niya sa Hongkong. Napailing na lang si Stefano at nagpatuloy sa pagmamaneho. May nami-miss siya at iyon ay si Brailey, ang husky niya na ibinigay pa nang namayapa niyang lola bilang regalo sa 27th birthday niya. Brailey is his baby and it'll be his baby forever. "NASA MAYNILA NA ako, Lea." "Saan ka tumawag? Kaninong telepono ang ginamit mo?" "Dito sa tindahan. Puwedeng makitawag pero babayaran mo lang. Pasabi na lang kina nanay at tatay na nandito na ako sa Maynila. Huwag kamo sila mag-alala dahil maayos na ako." "Meron pa lang ganiyan diyan. O, sige, sasabihin ko agad. Mag-ingat ka, ha." "Oo, maraming salamat ulit, Lea." "Walang anuman, Zoe." Tumango lang siya saka nagpaalam sa kaibigan saka pinatay na ang tawag dahil kinukuha na ng ale ang telepono. Kapag nagtagal pa ang pag-uusap nila, madadagdagan ang babayaran nila. Nagbayad na si Zoe kapagkuwan ay umalis na. Papunta siya ngayon sa agency na pag-a-apply-an niya. Nasa Makati siya ngayon at kung hindi siya nagkakamali, malapit lang ang agency sa kaniya. Nasa istasyon siya ng bus, sabi sa nabasa niya, malapit lang iyon dito. Maayos siyang naihatid dito ng tito ni Lea at tama ito, mabait nga ito. Hindi naman naghahanap ng perpekto ang agency. Basta't may bio-data ka lang, puwede ka nang mag-apply. Hindi rin sila naghahanap ng maganda o perpektong babae. Basta't kayang gumawa ng gawaing bahay, ayos na. May interview pang magaganap at doon kinakabahan si Zoe. Sana naman ay masagot niya para matanggap siya agad. Kailangan niya ng trabaho para may pambayad sa bahay. Iyan ang goal niya kaya nagpunta siya rito sa Maynila. Kung hindi nagkakamali si Zoe, Magic Agency ang pangalan ng agency na pupuntahan niya ngayon. Naglakad na si Zoe at nagpalinga-linga sa paligid. Malaki ang Maynila at ang tatayog ng mga gusali. Mukhang maliligaw siya rito pero kaya niya ito. Mahahanap at mahahanap niya rin ang Magic Agency. "Bakit ang taba mo?" Natigilan siya nang marinig iyon. Mula sa unahan niya, may sumulpot na isang bata. Hubad baro ito at nakasuot pa ang tsinelas sa magkabilang braso. Dugyot ba ito? "Kasi nakain ako ng masustansya. Ikaw, kumakain ka ba? Ang payat-payat mo na nga. Ayan, o. Kita na iyang ribs mo." "Panget mo naman," tatawa-tawa nitong saad saka tinakbuhan siya. Napairap na lang siya dahil sa inis. Imbes na pansinin pa ang bata, nagpatuloy na lang siya sa paglalakad. Oo na, panget na siya, at least maayos ang suot niya. Hindi naman siya sobrang taba kaya nakapagpantalon pa siya. Ang pang-itaas naman niya ay blouse. May dala siyang back pack kung saan nakalagay ang mga damit niya. Laking tuwa na lang ni Zoe nang makita ang Magic Agency. May kalayuan ito pero nakita niya ang logo. May kataasan ang gusali. Bigla siyang nakaramdam ng excitement. Gusto niyang lumipad para makarating agad. Dahil sa kakaibang excitement na nararamdaman, lakad-takbo na ang ginawa niya ngunit bigla na lang siyang napatalon nang may bumusina sa likuran niya. Nawalan siya ng balanse kaya natumba siya at napasubsob siya sa magaspang na kalsada. "A-Aray..." mahina niyang daing saka dahan-dahang tumayo. Inikot niya ang kaniyang katawan at nakita niya ang isang kotse na nakatigil sa harap niya. Marahil ay ito ang bumusina sa kaniya. Anong problema nito? Bakit kailangan bumusina nang ganoong kalakas. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng kotse at lumabas doon ang isang lalaki. Napaamang si Zoe sa nakita. Animo'y tumigil ang mundo niya ng mga sandaling iyon. Parang nawala siya sa sarili. Guwapo ang lalaki. Matangkad. Halos perpekto na ito kung tutuusin. "What the hell are you doing, huh? Are you going to kill yourself?" Natigilan na lang siya. Halos lumabas na ang litid ng lalaki sa leeg. Iyong boses nito, may halong galit. Pero bakit parang kasalanan niya? Naglalakad lang siya tapos bumusina ito. Siya nga dapat ang magalit dahil siya ang nasaktan. Paniguradong may gasgas ang mukha niya ngayon. "Ano bang problema mo, ha? Inaano kita? Bakit ka bumusina? Tingnan mo itong ginawa mo." At tinuro niya ang mukha. "I don't care what happened to your face. Kung may balak kang magpakamatay, huwag mo akong idamay! Umakyat ka sa rooftop at tumalon ka!" sigaw nito. "At bakit ko naman gagawin iyan? Ikaw ang umakyat sa rooftop at magpakamatay! Ikaw iyong nakaperwisyo pero ikaw pa iyong galit. Ang yabang mo!" singhal niya. Ngumisi ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nakaramdam tuloy ng hiya si Zoe dahil sa inakto ng lalaki. Ito ang kahinayaan niya, kapag sinisiyasat na siya, nanghihina siya at pakiramdam niya'y maeestatwa na siya habang-buhay sa kinatatayuan. "You're fat, you're ugly, and you're dark. Tatanga-tanga ka kasi! Kung tinitingnan mo iyong dinadaanan mo, e 'di hindi kita binusinahan. Papunta ka na sa gitna!" "Hindi ako tanga para sabihin ko sa iyo!" sigaw niya saka nilapitan ang lalaki at walang ano-ano'y sinampal ito. Lumagapak ang kamay niya sa pisngi nito dahil sa lakas ng sampal niya. "Wala kang karapatang asarin ako. Anong problema mo kung mataba, panget, at maitim ako, ha? Ikaw, guwapo ka nga, ang sama naman ng ugali mo!" muli niyang sigaw. "Bakit, totoo naman, a? You're so stupid!" Muli niya itong nasampal. Hindi porke hindi siya nakatapos, hindi na niya maiintindihan ang lalaki. Intinding-intindi niya ito. Bakit ba ang yayabang ng mga mayayaman? Tao rin naman silang mahihirap, a. "Ang yabang-yabang mo. Tubuan ka sana ng buntot at sungay!" "Sana nga, miss," nakangising sabi nito. "Sana nga mangyari iyo—" "Kuya, mommy called me and she told me daanan daw natin sila sa hospital. Pumutok daw iyong gulong ng kotse ni daddy." Mula sa bintana ng kotse, sumilip doon ang isang dalaga. Maganda ito at medyo hawig sa lalaki. Tumugon ang lalaki rito at nakapamulsang bumalik sa kotse. Bago ito umalis, nginisian pa siya nito na parang nang-aasar. Inirapan lang niya ito. Nang makaalis na ang mayabang at antipatikong lalaki na iyon, kinuha niya sa kalsada ang kaniyang bag at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa agency. Nang makarating, pinapasok siya ng guard. Salamat naman at welcome siya. Natyempuhan ni Zoe na kaunti na lang ang nag-a-apply. Nang siya na, hindi niya maiwasang kabahan. Kinuha ang bio-data niya. In-interview siya ng isang babae kapagkuwan. Madali lang naman ang mga tanong at lahat ay nasagot niya. "Pasa ka na, Zoe." "Talaga po, ma'am?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Oo. You are qualified to be a maid. Marami kang alam sa gawaing bahay." "Sobrang salamat po, ma'am. Malaking tulong po ito sa akin. Aalis na po ba ako?" "Hindi. May kliyente kami na kailangan na ng maid ngayon agad. You are under of Mrs. Sepina Costa, but hindi ka sa kaniya magtatrabaho. Sa anak ka niya magtatrabaho, Zoe." "Lah, talaga po, ma'am? OMG, hindi po ako makapaniwala," mangiyak-ngiyak niyang saad. "Maraming salamat po, ma'am." "You're welcome, Zoe. Wait me here, ibibigay ko ang address ng anak ni Mrs. Costa." Tumango lang siya kaya sandaling umalis ito. Hindi magkamayaw si Zoe. Qualified siya. Akala niya'y wala siyang makukuhang trabaho dahil sa hitsura niya. Nagkakamali siya. Posible pala na magkaroon siya ng trabaho. Mayamaya pa ay bumalik na ang babae at ibinigay na nito ang address at kailangan niyang puntahan agad iyon ngayon. Nagpasalamat pa siya rito bago tuluyan nang umalis. Madali lang naman mahananap ang address. Sa tulong ng mga napagtatanungan niya, nahanap niya ang sakayan patungo sa address. Kalahating oras ang byinahe bago siya tuluyang nakarating sa mismong address at nagulantang siya dahil nasa village iyon. Pumasok na siya sa village at naglakad-lakad para hanapin ang numero ng bahay. Makalipas ang ilang minuto, nahanap na niya. Bago mag-doorbell, nagpakawala muna siya ng hangin sa bibig. Nagdasal siya saka nag-doorbell. Napayuko siya dahil sa kaba. "Who are you?" Naiangat niya ang mukha dahil sa narinig. Pamilyar ang boses. Parang kailan lang niya narinig iyon. Hinanap niya ang nagsalita at nanlaki ang mga mata at napaamang din siya sa nakita. Hindi siya maaaring magkamali, ang nagsalita ay iyong lalaki kanina. Oo, ang antipatiko at mayabang na iyon ang nasa unahan na niya ngayon. "Ikaw?!" sabay pa nilang sigaw— gulat na gulat sa isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD