Hanggang ngayon naiisip ko parin ang nangyari noong nakaraang lingo. Hindi pa ako natakot ng ganito I know how to fight and I know how to defend myself perfectly pero pagdating sa lalaking iyon boses palang nakakakilabot na.
"Piso for you thoughts?" Sabi ni Janice na nagpa gising sakin mula sa pag-iisip. Nasa caffeteria kami ngayon.
"Ang kuripot mo piso lang?" Sabi ko.
"Eh kasi naman kanina, nag uusap kami ni France para kang tuood hindi ka manlang nagsasalita"
Sandali syang nag isip.
"OMG buntis ka!?- aray!" Sabay namin siyang hinampas ng notebook ni France.
"Seriously!? Buntis agad?! Di ba pwedeng pagod lang?"
" eh kasi yun yung na papanood ko eh! Sorry naman!" Bata palang kami ang hilig na sa mga drama nitong si janice dati nga ginagaya pa niya ang suot at kilos ng mga paborito niyang artista noon.
"Weekend kahapon tapos pagod ka? Sino pumagod sayo ha?" Tanong ni France sabay ngisi.
"Isa ka pa. May bagong bwisit kaming kapit bahay ang ingay lakas mang bulabog kaya na puyat ako"
"Oh! Talaga lalake? Pogi?" Janice
"What!? anung pogi matandanglalaki, malaki ang tiyan at kulubot? Pogi ba iyon?" Actually sobrang pogi at Hot kaso nakakatakot and pervert.
Yun sana ang gusto kong sabihin pero no way dahil kahit dito sa pilipinas kilala ang pangalan ni Eros at pangarap ng mga kababaihan ang isang Eros Carter Torrejas. Sigurado pag nalaman ni janice yun every minute hindi ako titigilan kakatanong nito baka sa bahay pa tumira ito.
"Anyway excited na ako! Sasabihin na yung bisita next week!" Nakangiting sinabi ni janice.
" Yeah.. about that punta kayong lahat sa office right after ng last subject natin ok?" sabi ko, tumango ang dalawa.
Aaminin ko medyo exited din ako pero sana medyo matagal pa kasi pagod na ako kakamadali ng mga gagawin at paghahanda sa program at party.
Maya-maya may pumasok sa loob ng room at kinanausap ang prof. Namin
"Miss madrigal punta kamuna sa principal office dalhin mo na gamit mo, nandyan mga parents mo" napakunot noo ko sa sinabi ng prof. What are they doing here dapat nasa hospital sila. Niligpit kona ang mga gamit ko at binitbit ang bag ko. Sinenyasan ko sina jan at France na tatawagan ko sila.
"What!? Ngayon na as in?" gulat kong turan
Pagkadating ko office kanina saktong palabas sina mom. Pag dating sa biyahe sinabi nila sakin ang dahilan kung bakit nila ako sinundo. Nagpaalam lang naman silang dalawa na pupunta ng Nepal dahil sila ang representative ng hospital para tumulong sa pag rescue sa mga nasalanta ng malakas ng lindol doon. Ang malupit pa 2 freaking months silang mawawala, God! Can this get any worse urrgh!!
"Mom sama nalang ako please?" Kanina pa ako nag mamakaawa sa dalawa.
"No malapit na ang finals mo tska may magbabantay naman sayo " napa yuko nalang ako. God! I m gonna miss them.
"Ohh! Princess don't worry promise gagawa kami ng paraan para makauwi ng maaga." Sabi ni dad at niyakap ako, ganun din si mom.
"Ok honney mag impake ka na rin"
" huh? Bakit? akala ko hindi ako kasama?"
"Yes! pero di ka dito titira"
"Where? Ah kila Janice? Ok" sabi ko at ngumiti.
"No kay Eros. Mabait na bata pumayag agad kahit busy sa company nila" Oh! s**t! O__O
"NO!..uh i mean uhh..kila Janice or France nalang nakakahiyan naman sa kanya My, Dy please!"
ilang minute pa kami nagtalo sa kung saan dapat ako manuluyan pansamantala, ngunit hindi talga sila pumayag sa gusto ko. Kainis hindi ba nila alam and balibalita sa pervert na kumag nayun?!
Kaya heto ako ulit ngayon sa mansyon ni Mr. Perv/manwhore.
"C'mon princess lighten up " kanina pa kasi ako naka simangot simula ng malaman kong dito ako mamamalagi ng 2 f*****g months.
This is the worst!
"Dy its Cj and please sa bahay nalang ako! Please! My Please! I'm already 19 hindi ko na kailangan ng babysitter!"
"No!" Sabay nilang sinabi.
"Kill me now!! Bakit kasi dito pa please any where but here, My sa bahay nalang ako please. Promise mag b-behave ako." Bwisit kanina ko pa gustong tahiin ang bunganga ng naka ngising labi ng Eros na ito.
"Last time na nag promise ka, napuno ng grafity at mga empty beer can ang bahay! So no" si My
"At kung hindi gulo prisinto naman ang pinapasok ninyo pag naiwan namin kayong magkasamang tatlo" dagdad ni Dad. Yes kasi na pagisipan namin nila France na mag party hindi naman namin inakala na magw-wild ang mga bisita.
Bahagyang umubo si Eros para mapigilan ang pagtawa at malaman na nandoon siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"My, naman how many times do I have to tell you na we're saving someone, and that jail thing malay ko bang ilegal pala yung napasukan naming club!"
"Ok you two enough prin-" sinamaan ko si Dad ng tingin " ok CJ we're gonna be late for the flight, our decision is final."
"But-"
"No buts Celeste Jone. Eros please take care of our daughter " pag sinabi na ni Dad ang buong pangalan ko final natalaga yun. I guess kaylangan kong mag tiyaga sa impyernong ito.
" Of course tito don't worry" sagot niya.
Matapos hinatid ko na sila Dad palabas dahil nandyan na ang service nila, malungkot na nagpaalam narin ako kina mom and Dad.
"Bye Baby remember call us everyday ok? Love you"
"Yes Dy bye, love you guys" sabi ko at niyakap sila. Madyo matagal pa akong tumayo doon hanggan mawalana sa paningin ko ang sinasakyan nila.
Pagpasok ko sa gate nakita kong nakatayo si Eros sa may front porch at nasa dibdib niya ang mga braso niya pang nag hihintay pa siya na sasabihin ko. Kinuhako ang cp ko at sinuot ang headset, nagtaas siya ng kilay sa ginawa ko.
Naglakad ako hangang makalagpas sa kanya dumiretso ako sa likuran ng mansyon kung saan ako madalas dalhin ni nanang pag maglalaro ako dahil malawak doon. Madalas ko ring tulungan si nanang mag tanim ng mga bulaklak doon. Pag stress ako doon ako nagpupunta may swing chair kasi doon madalas akong magpahinga doon para mapayapa ang utak ko. Sakto pang wala si Nanang, nasa probinsya kasi siya dahil namatay ang kapatid niya hindi ko pa alam kung kaylan siya babalik.
Humiga ako doon sa swing habang nakikinig ng kanta at tinitignan ang mga stars. Baka kasi may dumaang shooting star gusto kong mag wish na maka alis na sa lugar na ito at bumalik sina Mom at Dad. Kita ko sa gilid ng mata ko si Eros nakatayo sa malayo. Sinundan ata ako pinikit ko nalang ang mga mata ko, para wag na niya akong istorbohin.
I think it worked kasi hindi siya lumapit at umalis nalang.......