Humingi ng paumanhin ang principal kay Eros. Sabi niya na ok lang daw dahil natural daw sa mga teens ang ganun sabi niya sabay tingin sakin pero inismiran ko lang siya.tsss! Sila ok ako lagot!
Ang hindi ko maintindihan imbis na umalis siya nagprisinta pasiya na sumama sa principal sa pakikipag usap samin. Nahihiya man ang head Dean wala naman siya magagawa kundi pumayag dito para raw may matutunan kami.
Talaga lang ah! Matutuna o nag eenjoy lang siyang makita akong mapahiya.
Una nilang sinermonan ang mga football team. Na ikinatuwa ko. Bakit daw kasi sila pumatol sa babae na nagpapakita daw saka nila how weak they are napangisi i can't help but snort sa pagpipigil ng tawa ako.
Hiyang hiya ang dalawang lalaki saby tinignan nila sakin lahat ng masama.
Sinita ako agad ng principal kaya tumahimik nalang ako at yumuko.
Sa huli pinag community service sila ng 2 weeks dahil may nag sumbong daw sa Dean ng buong pangyayari at ang mga pang bubully ng team nila. Umalis sila ng masama ang tingin sakin hanggang sa maka labas sila ng pinto.
"And you miss madrigal being a VP of the student council i expect you to be a model srudent and prohibit violence, pero pinatulan mo pa sila."
"Sir. i was just defending my self and that sophomore student"
"I know hija, kaya hindi kiya papatawan ng parusa, but make sure na hindi na ito mauulit and your parents need to be informed about this" patay!
"Nasa ibang bansa po sila" agap ko
"Don't lie miss madrigal they will never leave ang nag iisang anak nila na babaeng mag isa "
"I'm telling the truth Sir. Tska hindi naman po ako mag isa" agad lumipad ang kamay ko sa bibig ko...shit! Why did I?..oh! God!
"Then i will talk to your guardian tomorrow, you can go now miss Madrigal"
Tumingin ako kay Eros kita rin sa kanya ang pag-aalala but I doubt na sasabihin niya ang totoo. Siguradong mas pipiliin niya ang image niya kaysa ipaalam na isa siyang ward ng pasaway na teenager, napayuko nalang ako.
"You don't have to do that..I am her guardian" gulat akong napalingon sa kanya. Ginawa ba talaga niya iyon?
"I'm sorry Mr. Torrejas, come again?" Di makapaniwala ang principal.
"Yes! you heard me right, I'm her guardian and yes she's living with me."
"The-then i guess you can go now miss madrigal" tumango nalang ako.
"Sir sana po wala nang makaalam nito"
"O-of course miss madrigal" nagpaalam narin si Eros kaya sabay kaming lumabas ng pinto.
Bumungad samin ang mga kaibigan ko si janice na mukhang stastruck kay Eros kasama ang kapatid niya na si kuya Julius buhat-buhat si Charles bunso nila, katabi nila si France at ang kapatid niya na si ate Shawn at ang boyfriend niyang si kuya Justin.
Tinanong nila ako kung anung nangyari kaya ikiniwento ko sa kanila lahat.
Binati si Eros nila France, ate Shawn at kuya Justin. Ayon sa sinabi kwento ni France close daw at dating magkakalaro ang tatlo noon. May contact pa naman sila ng umalis ang mga Torrejas hanggang ngayon. Gulat na gulat naman si Janice at kuya Julius na magkasama kami. Kaya sinabi ni ate shawn sa kanila na magkakakilala ang pamilya namin bata palang kami.
Binaba ni kuya Julius si charles na kanina pa nag pupumiglas sa kaniya. Tumakbo siya sakin na agad ko naman kinarga, eversince he was a toddler ganyan na siya sakin, he's too small for his age dahil sa premature birth narin siguro, Janice mother was on her mid 30's ng nabuntis siya kay Charles.
"Yan kanina pa ako kinukulit gusto niya daw puntahan ang 'girlfriend' niya" yeah parati niyang pinag mamalaki sa mga classmates niya na girlftiend niya ako. Ang cute kasi ng batang to tska nakakatuwa din dahil he's still young pero marami nang nalalaman too advance for his age.
I notice that Eros is looking at me intensely habang karga ko si Charles, nang sinalubong ko ang mata niya, but i realized that he's looking through me na parang may malalim na iniisip. The suddenly he smiled at me which i return.
Bigla kaming napalingon kay ate Shawn na tumikhim katabi ang naka ngisi ng makahulugan na si Kuya Justin.
"Okay looks like your boyfriend is asleep" turan niya at tumingin sa akin at sa humihilik na si Charles, nagtawanan silang lahat, agad naman siyang kinuha ni kuya Julius. Nagtama ang tingin namin ni Eros. Nakangiti siya sakin as in yung rare smile niya and it flutters me i don't know why agad akong nag iwas ng tingin sa kanya....
Syemas!!!