-=Gabby's Point of View=- Bigla akong naalimpungatan nang magising ako kinabukasan sa pagsigaw ni Jayden, isa pa naman sa mga ayaw ko ay iyong naiistorbo ang tulog ko kaya naman iritable ako ng akyatin ito sa second floor. "Ano na naman?!" mataray kong tanong dito ngunit biglang nawala ang antok ko nang makita kong pawisan ito at parang may dinaramdam. "Ok ka lang ba?" bigla ang pagsalakay ng pag-aalala sa akin sa nakikita kong paghihirap nito. "No I'm not ok! I need to go to the bathroom." ang naiinis nitong sinabi at saka ko lang nagets kung anong kailangan nitong gawin kaya naman nilagay ko sa malapit nito ang susi na kaya nitong abutin at para masiguradong hindi ito makakalabas ay nilock ko na din ang pinto nito. Hinayaan ko itong gugulin ang oras nito sa banyo at ako naman ay nagd

