Matapos niyang bilhin iyong libro ay agad siyang bumalik sa bahay ng ubod ng piitan para ibigay ang kanyang regalo. Nang makarating siya sa bahay nito, hindi niya nadatnan ang ubod ng piitan. Hindi naman siya nag-alala dahil alam niyang babalik ito. Inilapag niya sa mesa ang librong binili niya at umupo sa upuan habang naghihintay. Ilang oras din siya naghintay, nang may narinig siyang kumatok sa pintuan ay ang unang naisip niya ay baka umuwi na ito. Subalit bigla siyang natigilan, hindi naman nito kailangan kumatok ng pintuan dahil pag-aari nito ang bahay na ito. Gayunman, binuksan niya ang pinto at `laking gulat niya nang bumungad sa kanyang paningin ang kanyang magulang. Bigla siyang kinabahan ng makita ang kanyang magulang. Natatakot siya sa kanyang magulang dahil alam niya na galit

