Limang araw na ang nakalipas, maaga dumating sa adventurer’s guild si Meisha at Barrette dahil ayon kay Ginoong Quists na iyon lang daw ang oras na iyon ay may libreng oras ng space jumper na nakausap nito. Matatagalan pa nga sila ng pag-alis sa bahay-panuluyan kanina dahil kinukulit parin siya ni Enmo na gusto nitong sumama. Ngunit, determinado siya sa kanyang desisyon kaya hayun, nagmaktol ang bata. Anyway, hindi parin nagbago iyong desisyon niya. Bago pa sila makaalis, kinagat nito si Barrette sa sobrang inis. Dahil sa abilidad nito na bigyan malas ang kung sinuman ang kinagat nito. Kawawang Barrette at ito na naman ang pinagbuntungan ng inis ni Enmo. Ewan ba niya kung bakit ang hilig nitong apihin si Barrette, eh wala naman itong ginagawang masama rito. Dahil sa ginawa nito, pinagal

