Suot ang bagong damit niya, pumasok siya sa ballroom kung nasaan ginanap ang piging. Nang marinig niya kay Selena na hindi naman pormal ang piging nito, literal talaga na hindi. Ilang sa mga tao na narito ay pamilyar sa kanya. Kahit na hindi pormal na damit ang suot ng mga ito at may iba nga ay direktang sinuot ng mga ito ang uniporme, disente naman ang mga ito tingin. “Binibining Wistra!” Napalingon sa direksyon na pinanggalingan ng boses at nakita niya si Selena palapit sa kanya. “Magandang gabi sa`yo, Binibining Blastion.” “Ano ka ba, Selena na lang. Naalibadbaran ako sa pormal mong pananalita.” “Kung gano’n, Meicha narin ang tawag sa akin. Hindi naman siguro ako huli `no?” “Hindi naman, kakasimula palang.” Naglakad sila patungo sa gilid at iniwasan ang mga tao na nadadaanan

