Narinig pa ni Meisha ang malakas na lagutok nang tumama ang kanyang mahika rito at medyo bumaon halos kalahati ng katawan nito. Mukha itong kalunos lunos sa hitsura nito ngayon pero alam ni Meisha na hindi pa nagtatapos ang laban nila. Masyadong malakas ang defense power nito, kahit na siguro ginamitan niya ang buong lakas ng gravity crush magic. Tanging nagawa lang niya ay baunin ito sa lupa at hindi man lang niya nabali ang buto nito, parang gawa sa espesyal na bakal ang kaliskis nito dahil sa sobrang tibay. Yumanig ang kapaligiran at nakita niyang mabilis itong tumayo sa pagkahiga at gumanti ito sa kanya. Lumitaw sa harap nito ang ilang purple fire ball, saka inilunsad ang atake nito sa kanya. Pinapalibutan siya ng mga labi ng nawasak na gusali at bahay rito. Ito ang dahilan na hin

