Si Amilla ay isang manunulat. Sa edad na labing pito, nakasulat na siya ng mahigit isang daang maiikling kwento. Hobby na niya ito simula pagkabata pa lang dahil lahat ng naiimagine niya ay gusto niyang isulat.
Isang araw, isinulat niya ang istorya na ang pamagat ay The Fictional World. Pagkatapos i-edit ay agad na niya itong iti-nype sa computer at saka prinint. Matagal na niya itong ginagawa dahil gusto niyang may kopya siya ng bawat istoryang ginagawa niya.
Lumabas ang ngiti sa labi ni Amilla ng matapos siya sa pagpiprint. Parating sampung kopya ang ginagawa niya para maipamigay niya rin ito sa kanyang mga kaibigan. Madalas humingi ng copy ang kanyang readers kaya naman hindi sa kanya tumatagal ang isang dosenang bond paper.
Nang matapos ito sa ginagawa, agad niya itong itinabi sa cabinet ngunit may isang bagay ang nakakuha ng atensyon niya. Sa likod ng cabinet ay may isang...
Lagusan. Lagusan kung saan hindi niya alam ang patutunguhan. Nang dahil sa kuryosidad na bumabagabag sa kanyang damdamin, dahan-dahan niyang itinulak ang cabinet na may kaunting kabigatan.
Kitang-kita sa mukha ni Amilla ng makita niya ang kabuuan ng lagusan. Tila isa itong portal kung saan dadalhin ka sa ibang mundo. Mundo kung saan hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa kanya.
Nagdadalawang isip si Amilla kung tutuloy pa ba siya ngunit nagulat siya ng bigla siyang mapatid at tuluyan na ngang nakapasok sa lagusan.
"Nasaan ako?" Unang salita na binanggit ni Amilla ng makapasok siya sa isang napakagandang mundo. Oo, tama kayo. Isang napakagandang mundo dahil kung makikita mo ito, talagang mamamangha ka din.
Napakadaming bulaklak sa paligid na talaga namang naging dahilan kung bakit mas gumanda ang tanawin. Pumitas si Amilla ng ilang bulaklak at inamoy-amoy ito. Maraming hayop ang nagkalat sa paligid at lahat sila ay maaamo. Kung titignan mo ang buong lugar, masasabi mong perpekto ang pagkakagawa dito.
Isa lang ang nasabi ni Amilla sa kanyang isip. Na hinding-hindi ito mangyayari sa tunay na buhay. Malayong-malayo sa katotohan dahil alam naman natin kung paano nagbago ang ating mundo. Na kasalanan natin kung bakit ang napakagandang mundo na nilikha ng Diyos ay unti-unti ng nasisira.
Naglakad si Amilla ng naglakad hanggang sa nakakakita siya ng isang lalaki na nakatayo at tila tulala. Agad niya itong nilapitan at tinanong.
"Hello," pagbati ni Amilla sa lalaki. Nang humarap ito sa kanya, natulala siya at naistatwa sa kinatatayuan. Tila nakakita siya ng anghel dahil sa maamong mukha nito. Nang makabalik siya sa realidad, agad niya itong kinausap.
"Nasaan po ba ako? Sorry, bigla kasi ako napatid at nagulat nalang ako nasa ibang mundo na ako," wika ni Amilla.
Ilang segundo ang nakalipas bago sagutin ng binata ang kanyang tanong. "Nasa fictional world ka," direstong saad nito.
Napatulalang muli si Amilla sa lalaki dahil hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ito o hindi. "Seryoso ka ba? By the way ano nga palang pangalan mo?" pag iiba nito sa usapan dahil kanina pa niya ito kausap ngunit di rin niya alam ang pangalan.
"Ako nga pala si Ken. Ken Lee," pagpapakilala ni Ken kay Amilla.
Hindi agad nagproseso sa isip ni Amilla ang sinabi ni Ken dahil isa nanamang pasabog ang gumulantang sa kanyang isipan.
"Hala! Kapangalan mo yung character na ginawa ko sa bago kong story ha? Ang galing naman!" Natutuwang saad ni Amilla kay Ken.
Napangiti si Ken sa sinabi ni Amilla. "Hindi ka nagkakamali. Ako nga ito. Nabuo ako dito sa fictional world ng simulan mo akong isulat. Lahat ng character sa storya mo ay dito naninirahan. Masaya kami dahil kami'y natagpuan mo."
Hindi nakapag-salita si Amilla ng dahil sa sinabi ni Ken. Maya-maya pa, si Ken ay muling nagsalita.
"Ngunit binibini, oras na upang ikaw ay lumisan," wika ni Ken at nagulat nalang si Amilla ng bigla siyang naglaho.
Nagising nalamang si Amilla at napabangon sa gulat. Akala niya totoo talaga ang fictional world. Isa lang ang talagang tumatak sa kanyang isipan...
Na hinding-hindi mabubuhay ang taong namumuhay lamang sa libro.
THE END