CHAPTER 20 - No (05/02/16) KRYSTAL's POV Kinakabahan pa rin ako. Dalawang araw ng lumipas ng makita ko si Mama sa restaurant. Hindi ko alam kong nagmamalik mata lang ba ako o totoo ba talaga yung nakita ko. "Sweetie are you okay??" Nag aalalang tanong saakin ni Callis. Ngumiti ako at tumango. Nandito kami sa mansyon ni Kuya Kraige. Simula ng makilala ko na ang tunay ko na magulang ay dumadalaw na ako dito. Atsaka hindi parin ako makapaniwala na Kuya ko talaga si Kuya Kraige. Masaya ako, masayang masaya. "Jade, come." Tawag saakin ni err Mommy. Tumingin ako kay Callis at tumango siya saakin. Tumayo ako ng dahan dahan. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at naglakad kami papuntang kusina. "I baked something for you, Princess." Binuksan ni Mommy ang oven at kinuha ang isang cake. Hindi l

