Buloy's point of view Ang ganda ng bahay ni Doc, hindi man ako mahilig na manuod ng TV pero ang bahay niya ay kagaya na napapanuod sa TV ng mga mayayaman na artista. Ang kawarto at ang higaan niya ay napakalinis pati nang kanyang banyo na pwede na ring tulugan. Binilisan kong maligo dahil medyo kabado ako sa tubig paano kung biglang umiinit ito. Pagkatapos kong naligo ay lumabas na ako at dumating na ang pagkain namin. "Hipag, kain na tayo huwag nating hintayin si Kuya. Matagal yun maligo." Sabi ng Jasper kaya nauna kaminbg kumain. Sobrang dami ng kanyang binili, si Lola ay pinapak ang manok kahit walang ngipin. Lunok nalang siya ng lunok at sinasabayan ng paghigop ng tinola. "Lola, bukas ipapaayos natin ang ngipin mo. Ako ang bahala saiyo bukas hayaan mo na sina Kuya at Hipag dito

