Josh's point of view Napatingin ako sa aking asawa na nag lalagay ng sunscreen sa kanyang mga hita. "Chubs ako na." Sabi ko pero hindi siya pumayag dahil baka kung saan naman daw mapunta kung ako ang maglalagay. Napakamot ako sa aking batok dahil kilala na talaga ako ng aking asawa. Binilisan niya ang paglagay ng sunscreen dahil hindi pa matindi ang sikat ng araw. Wala si Jasper ngayon sa bahay, mukhang seryoso siya sa sinabi niya noon na tatakbo siyang Senator. Nasa bahay siya ngayon ng kanyang Ninong Caleb at tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo doon. Pero hindi ko alam kung yun ba talaga ang dahilan kung bakit siya nandoon. Noon pa niya inamin sa akin na may gusto siya kay Maria pero laging umaabot sa bangayan kung magkasama sila. Lalo na at katulad din ni Maria ang kanyang kambal na

