Buloy's point of view Mabilis lang naubos ang pila ng mga nagpapahilot dahil tinulungan ako ng Lola at Doc. Kahit paano ay may alam din pala si Doc sa pagmamasahe lalo na kung sa batok paakyat sa ulo. May mga umayaw sa kanila lalo na ang mga halos araw-araw na nagpapahilot pero natakot sila kay Lola kaya wala silang nagawa kundi sa kanya nagpahilot. Alas kwatro na ng hapon ng natapos kami, kahit tinulungan nila ako ay dama ko parin ang pagod. Kaya umupo na muna ako sa harapan ng bahay sa ilalim ng punong akasya para magpahangin. Habang naka-upo ako ay naramdaman ko ang paglapit ni Doc. "Mosh, kapag kinausap ka ni Mommy huwag mong sasabihin ang nangyaring aksidente sa akin." Sabi niya na umupo sa aking tabi pero umurong ako dahil ayokong magkadikit ang aming katawan . Kanina nang nagisi

