Buloy's POV continues Pagdating ko sa bahay nina Mayora ay pinapasok ako agad kasama ng isa niyang bodyguard. Kumatok na muna ako sa kanyang kwarto at ang kasama ko na mismo ang nagbukas ng pintuan. Nakahiga na siya sa kama at halatang walang saplot. Huminga ako ng malalim at pumasok na. Ang kasama ko ay naiwan lang sa labas. "Mayora." Sambit ko. "Likod ko na muna Buloy." Agad na utos niya. Uminom na muna ako ng tubig na baon ko at pagkatapos ay kinuha ko na ang lotion ni Mayora. Sabado at linggo lang na hindi ako pumupunta sa kanya. Nagsimula ko nang masahiin ang malapad niyang likod at napa ungol siya. "Buloy nabalitaan ko na kailangan maoperahan ang lola mo. Kung gusto mo ako ang bahala basta, kada hapon kang pumunta dito at dagdagan natin ng 30 minuto ang pagmamasahe mo sa akin

