Jansen's Point of View Umalis ako sa amerika na muntik nang mapahamak at pagbalik ko dito ay pareho din. Kung minsan ay ayoko nang naglalabas pa pero mapilit si Daddy kaya pinagbigyan ko siya na dadalo ng kaarawan ng kanilang kasyoso sa negosyo nina Ninong. Maraming tao pagdating namin at may kinausap sina Daddy kaya naglakad-lakad na muna ako ng may lumapit sa akin at na nagpagkilala. Siya daw ang may-ari ng bahay. Nagpakilala siya bilang pintor at marami daw siyang koleksyion sa isang kwarto na gusto niyang ipakita sa akin kaya sumama naman ako. Pagpasok namin ay wala namang mga paintings na naka display. Ang alam ko ay baka nakatago lang pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at akmang hahalikan kaya mabilis ang aking kamao na sinuntok ko siya ng sunod-sunod. Hindi ko siya hinay

