Jansen's point of view Nakatingin nalang ako sa camera ng paalis ang aking asawa. Mula nang natiklo ako na pumapasok sa kayang kwarto ay mas lalong naging mailap na siya sa akin. Hapon ng tumawag ako kina Kim at nalaman ko na pinaglilihian ni Mosh ang kanyang asawa. Mabuti sana kung yung paglilihi niya sa amin na ayaw niya kaming makita pero kay Kuya Duke ay kabaliktaran. Rinig na rinig ko pa ang ka sweetan nila na ikinainis ko lalo ng sinabi ni Kim na suot ni Mosh ang damit ni Kuya Duke na hindi pa nalabhan. Minsan ay tumawag ulit ako at nakikipaglaro si Mosh sa kanilang mga aso. "Ducan, sit on my lap." Malambing na tawag ni Mosh sa aso nila. Buti pa ang aso, parang gusto ko na tuloy maging aso nito. Me: Kailan pa siya nagka gusto ng aso ? Kim: Naka naka lagay sa cage si Ducan s

