Jansen's point of view Pagka-alis namin sa hospital ay dumertso na kami sa bahay. Napakasaya ng aking kambal na sinalubong si Mosh. Ang Mommy namin na gusto ding maka bonding si Mosh ay hindi na nakasingit pa kay Mosh. Hanggang sa tumawag kami kina Mommy Summer na sa bahay na kami matutuloh pero bigla na lang siyang umiyak. "Sa mansion na kayo matulog anak, naiintihan ko ang aking kaibigan. Kahit ako baka hindi ko na papalabasin si Buloy." Sabi naman ni Mommy. Napatingin ako sa aking asawa na tahimik lang pagkatapos niya maka-usap si Mommy Summer. "Nasaa si Jasper Mommy?" "Bumalik kina Ninong mo." "Sa probinsya?" "Bakit naman daw siya bumalik doon?" Nagtatakang tanong ko dahil tapos na ang kanyang pagtulong doon. "Kukunin niya daw ang celphone niya kay Maria." Sagot naman ni Mom

