Chapter 02

1258 Words
NAKATITIG lang si Raven sa kaniyang repleksiyon sa salamin na nasa kaniyang silid na ukupado. Sweet but seductive, iyon ang theme ng ayos niya ngayon. Ang suot niyang dress ay hapit sa kaniyang katawan. Mukhang sinadya ni Sassy na magmukha siyang kaakit-akit sa kaniyang suot para makaagaw ng pansin ng mga kalalakihan. Gusto sana niya na huwag na lamang iyong isuot, pero naunahan na agad siya nito ng linyahan nito na magtatampo ito kapag hindi niya isinuot ang ipinadala nitong dress at heels. Huwag din daw niyang kalimutan na mag-send ng picture dito bago siya pumunta sa party. Kaya naman bago umalis ay nag-mirror shot pa siya para lang makita nito ang suot niya at ayos niya. “Oh, my God. You look so fabulous, Friah. I love it. Enjoy the party and don’t be KJ,” ani Sassy na hindi napigilan na tawagan siya matapos niyang mag-send dito ng kaniyang larawan. Napangiti siya. “For you, I’ll enjoy the party. But don’t expect too much from me, Miss Morel.” Sumimangot ito. “Have some s*x life, Friah.” “Just enjoy your s*x life, Sassy,” aniya na nag-flying kiss pa rito bago niya tinapos ang video call na iyon. Kung noong una, namumula na parang kamatis ang pisngi ni Raven kapag napag-uusapan ang s*x life. Pero ngayon, immune na yata siya pagdating sa ganoong usapin. Lalo na at majority na kilala niya ay may pagka-liberated din. Si Sassy, wala ring preno ang bibig kapag s*x ang pinag-uusapan. Kaya siguro nasanay na rin siya sa ganoong usapan. Iyon nga lang, hindi lang niya nakasanayang gawin. Kapag may party sa Aronsdale na dadaluhan nila. O ‘di kaya naman kapag mag-aaya sina Sassy na mag-bar sila, panay rin ang bugaw ng mga ito sa kaniya sa mga lalaking hot ang datingan para sa mga ito. Pero ang ending, bokya. Hindi siya bumibigay kahit ano ring harot ng mga lalaki sa kaniya. Kapag ayaw ng katawan, hindi mo rin talaga mapipilit. Sina Sassy na lang ang sumusuko sa pagiging KJ niya. Kaya naman kanina, ang palagi nitong bilin sa kaniya ay ‘wag siyang KJ. Hayaan niya ang sarili niya na makakilala ng ibang tao. Lalo na ng lalaki. Twenty-eight na raw siya pero virgin pa rin. Para bang mas big deal pa sa mga ito na dapat kapag ganoong edad ay hindi na siya virgin. Hindi kagaya sa bansang kinamulatan niya kung saan iniingatan dapat ang puri. Conservative. Pagbaba niya sa kaniyang hotel na tinutuluyan, sumakay siya sa taxi at nagpahatid sa venue ng party. Ipinakita lang niya ang pangalan ng Le Pré Catelan Lenôtre at inihatid na siya roon ng taxi driver. Nang makarating sa venue ay may ipinakita lang siyang maliit na card sa security bago siya pinapasok sa loob. Sa mismong venue ng party ay sinalubong agad siya ng champagne na dala ng waiter na nag-uuli. Kumuha siya ng isang glass at siyang ininuman ng kaunti. Hindi naman iyon nakakalasing kaya walang kaso kahit maubos niya. Sanay na rin siya sa mga ganoong klase ng inumin. Sa isip ay natatawa siya. Wala pa siyang nakikitang kakilala sa party na iyon. Pero base sa naririnig niyang usapan, puro mga bigatin ang mga naroon. “Hi,” bati pa sa kaniya ng isang lalaki na kay kisig sa suot niyong black suits. “Hi,” ganting bati niya na tipid itong nginitian. Showing him na hindi siya interesado rito. Kung kasama niya si Sassy, baka natuktukan na siya nito sa ulo. “You’re alone?” Umiling siya kahit na ang totoo ay mag-isa lang talaga siya roon. “No. I’m with someone.” Imaginary someone, dugtong ni Raven sa kaniyang isipan. “Oh, I see. Matheo,” pakilala pa nito sa sarili bago inilahad ang kamay sa kaniya. “Friah,” aniya na hindi tinanggap ang kamay nito. Napapahiya tuloy na ibinaba nito ang kamay. Tipid na ngumiti bago nagpaalam na palayo sa kaniya. “What’s with her?” Naulanigan pa ni Raven na wika sa bandang likuran niya. “She’s avoiding the son of French Air,” tukoy ng babae sa likuran niya sa lalaking nakipagkilala sa kaniya kanina. Kahit prinsipe pa ang makipagkilala sa kaniya, baka ganoon din ang gawin niya. Taas noo na naglakad siya palayo. “Friah.” Saka lang napahinto si Raven. Balak pa naman niyang pumunta sa kinaroroonan ng buffet table para sa mga sweets na pagkain. Medyo nakakaramdam na siya ng gutom at gusto na niyang kumain. Nang lumingon siya sa tumawag sa kaniya ay saka lang niya napagsino ang tumawag sa kaniya. Lihim pa siyang napalunok nang makita ang big boss ng Morel Airline. Si Hugo Morel, ang ama ni Sassy. Kasama nito ang anak nitong si Chase na ahead lang ng ilang taon kay Sassy at isa rin sa mataas ang katungkulan sa kompanya ng mga ito. “Good evening, young lady,” nakangiti pang bati sa kaniya ni Chase na bineso pa siya nang makalapit siya sa mga ito. “Your girlfriend?” takang tanong pa kay Chase ng kausap ng mga ito. Girlfriend agad? Eh, ‘di sana babe ang tawag sa kaniya ni Chase. “No,” nakangiti naman niyang tanggi. “Oh, you really hurt my ego, Friah,” natatawang biro pa ni Chase sa kaniya na tinawanan din ng ama nito. Kilala niya si Chase, matinik din ito sa babae. Maging ang mga magulang ay hindi alam kung kailan balak mag-stick to one sa babae. Hindi raw gayahin si Sassy na matagal ng karelasyon ang boyfriend nito. Pero alam naman ni Hugo Morel na hindi uubra sa kaniya ang pagiging babaero ni Chase. “Friah is one of our best employee,” ani Hugo Morel sa kausap ng mga ito na ipinakilala rin sa kaniya na owner din ng isang airline company. Malalaking isda nga talaga ang naroon. “Nice to meet you, Mr. Frudo,” magalang niyang bati sa kausap nina Hugo Morel at Chase nang ipakilala sila sa isa’t isa. “Tell me, where are you from? You’re not a native Aronsdalian, right?” usisa pa ni Mr. Frudo. “Yes, I’m not. I’m from Philippines.” “Philippines?” May ngiti sa labi na tumango siya. Sa bagay man lang na iyon ay maipagmalaki niya ang kaniyang totoong pinagmulan. “Dad, he’s here,” ani Chase sa ama na may tiningnan na partikular na tao. Hindi naman nag-abala na lumingon si Raven. Muli siyang sumimsim sa hawak niyag champagne glass. Mukhang naagaw na ng bagong dating ang atensiyon ng mga kausap niya. Wala namang kaso iyon sa kaniya. Maitutuloy na rin niya ang pagpunta sa may buffet table. “Excuse me,” paalam sana siya nang umiling sa kaniya si Chase. “Stay still,” bulong pa nito sapat lamang upang marinig niya. Sa isip ay napabuga siya nang hangin. Pumihit na rin siya paharap sa muling hinayunan ng tingin ni Chase para makita kung sino ang nagpatahimik sa mga ito. May isang lalaki na sa tindigan pa lang ay masasabi niyang gigilid talaga si Chase Morel. Oozing with s*x appeal. Tingin pa lang sa suot niyon ay masasabi mong mamahalin iyon. Ngunit habang papalapit iyon nang papalapit sa kinaroroonan nina Raven, pabilis din nang pabilis ang kabog sa kaniyang dibdib. “Mr. Ellison,” nangunguna pang salubong ni Mr. Frudo sa bagong dating na halos maagaw ang atensiyon ng majority. Kung wala lang siyang lipstick, baka kitang-kita ang kaniyang pamumutla. Para bang gusto niyang lumubog sa kaniyang kinatatayuan nang makilala ang naturang lalaki. Hindi siya maaaring magkamali. Lhorde…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD